bc

Heart Of Bullets (Mafia Series 4)

book_age18+
2.0K
FOLLOW
7.0K
READ
possessive
fated
badboy
CEO
boss
student
mafia
twisted
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

Addelyn's live her life in a province of Samar peacefully not until she became involved in a fraternity. To protect her cousin she had to help her so that she would not be harmed.

But everything was turned upside down and the fire of temptation did not deliberately ignite in her feelings which would complicate everything. .

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"ADDELYN! Halika na!" tinitigan ko si Karen habang inaayos ang sintas ng sapatos ko. Unang araw namin ngayon sa College de Samar at naglalakad lang kami. "Sandali lang!" tumayo ako at pinagpagan ang aking palda. "Kailangan ko na talagang bumili ng sapatos." Nang abutan ko si Karen ay nakangisi siya sakin. "Ikaw lang yata ‘yung studyante na hindi naka black shoes. Para kang’ high school!" Inirapan ko siya. "Excuse me? Marami kaya nagandahan neto’ sa dati kong school. Marami bang laitera dito sa College de Samar?" Noong first year college kasi sa isang pribado akong Unibersidad pumapasok. Pero nang malugi ang sari sari store nila mama ay naisipan nang’ itransfer ako sa isang pampublikong Unibersidad. Alam ko naman na hindi ako totoong anak. Hindi iyon nilihim sakin ng nakagisnan kong magulang. Hindi rin ako nagtanim ng sama ng loob sa mga tunay kong magulang. Sana lang. Kapag nagkita na kami ay mayayakap ko sila at mahagkan. Kasi iniisip ko rin minsan kung sino ang kamukha ko sa kanila? May kapatid ba ako? Kasi hindi ko alam. "Addelyn!" Nagulat ako dahil matagal na pala akong nakatulala. "Oo!" Nagsiksikan kami sa loob ng jeep. Marami rin kaming nakasabay na studyante. Nag uusap usap sila ngayong mangyayari sa unang araw ng klase. Ang iba naman ay nagpapakitaan ng bag nila. Bago rin naman ang bag ko. Ang sapatos ko lang hindi. Sa unang klase ay nag adjust pa‘ko. Hindi kami parehong kurso ni Karen na anak ni tita Korina, ang kapatid ni mama. Itinuring akong tunay na pinsan ni Karen kahit paano. “Hi! Ikaw pala si Addelyn? Pinsan ka ni Karen di'ba?" Ngumiti ako sa babaeng kaklase ko. Ang boring dahil walang teacher sa buong subjects. Nagkalat at nag uusapan ang mga iba. "Oo." "Mabuti naman. Nirecruit kana rin ba niya?" "Huh? Sa ano?" Tinukod niya ang kamay sa desk ko. "Ako si Annika. Three years na akong myembro ng Phantom Fraternity." Kinagat ko ang labi dahil sikat nga dito sa Samar ang fraternity nila. Kahit mga police dito ay hindi sinasanto. "Okay. Ngayon?" "Ngayon tinatanong kita kung nirecruit ka ba ni Karen? Kasi rule iyon sa amin. Ang boss ay ayaw sa pare parehong putahe. Nagsasawa rin si bossing." "Pasensya na ha. Hindi ko kasi hilig ang mga ganyan. Tsaka nag aaral ako dito. Doon lang ako nakafocus." Nginuya niya ang bubble gum at ngumisi sakin. "Bahala ka. Sponsor dito ang boss namin kaya malaking tulong kapag sumali ka samin. Tumutulong rin kasi iyon." Umiling ako. Hindi talaga ako interesado. Ilang beses ko nang narinig iyang Fraternity nila. Isang high end 'raw na Frat. Ewan. Lumabas ako ng classroom para maglibot. May nakakausap na ako sa mga kaklase ko kahit paano. Hindi naman ako nahirapan kasi pinapansin nila ako. Nilabas ko ang aking cellphone para itext si Annika ng may sumagi sa kamay ko. Nahulog ang cellphone ko! Pinulot ko iyon at handang singhalan ang kung sinuman pero... Nasa anim sila at 'yung nasa una ang nakasagi ng aking cellphone. Ni hindi siya tumingin sakin na nasagi niya. Tanging likod niya lang ang nakikita ko. "Psst!! Addelyn! Tumabi ka nga diyan! Letcheng babae ito!" "Oh? Bakit? Ang lalaki kasing iyon nasagi ako hindi man lang nagsorry?!" "Bugok mo naman! Tignan mo paligid mo. Nagsihawian! Malamang mga nasa mataas na ranggo ng frat iyong nakasagi sayo. At alam mo bang sa oras na papansinin o hindi nila magugustuhan ang sasabihin mo ay paparusahan ka?!" Kinabahan ako pero may halong inis. Hindi nalang ako nagsalita at tinitigan ang lalaking nakabangga sakin. Hayaan nalang. "Ano pala 'yung sabi ni Annika sakin? Member ka ng Phantom-" "Shhh!" tinakpan niya ang bibig ko habang sinasabi ko iyon. "Gusto ko na ngang’ pumalag e. Nakakatakot naman kasi. Si Annika kasi mahilig yan sa sarap! Kaya ayaw umalis!" Kinagat ko ang labi dahil nagets ko ang sinabi ni Karen. "Pag iyan nalaman ni tita Korina malalagot ka." "Kaya nga secret lang natin di'ba?" hinawakan niya ang siko ko. "Bakit ba napasok ka diyan? " tanong ko. Papunta na kaming canteen ngayon. "May crush kasi ako doon. Pero ni hindi ko naman nakikita. Iilang babae lang nakakapasok sa office ni boss." "Hm. Grabe naman. Ang dami palang ganap dito? Pag aaral lang naman ipinunta ko dito." "Kalahati naman yata ng studyante dito sa school ay miyembro-" "Karen. Member 1065. Hindi kana nakakapag report sa head natin. Alam mo bang may parusa ka?" Natuod si Karen ng may humarang sa amin na apat na lalaki. "B-Borge." napakamot si Karen sa ulo. "First day of school palang e." "Kahit na. Ni hindi ka tumutulong sa mga dapat gawin. May task na pinagawa si boss sa amin tapos ikaw ang sarap sarap ng buhay mo. Mamayang gabi. Alas 6. 12 paddles." Namutla si Karen pate narin ako ng marinig iyon. Halos hindi kami makagalaw ng umalis ang apat na lalaki. Ano ba itong napasok ni Karen?! "M-Mamatay na ako Ad." parang namamaalam niyang aniya. Umiling ako sa kanya at hinawakan siya sa siko. "Anong mamamatay? Ano ba iyon? Masakit yung paddle ha! Babae ka! Masama yung ginagawa nila!" Nag umpisa siyang maglakad sa kung saan. Tila malalim ang iniisip. Hindi ko hahayaang mangyari ito. Isusumbong ko sila sa mga pulis! May iilang klase ng sumapit sa hapon. Konti rin ang nagsidatingan na studyante. Hindi ako makafocus dahil inaalala ko ang pinsan ko. Tiyak kong umiiyak iyon. Nang sumapit ang alas kuwatro ay nagtatago na ako sa alley. Nakita ko si Karen na balisa kaya sinundan ko siya. Hindi siya lumabas ng school! Imbes ay tinungo niya ang mahabang alley papunta sa likod ng oval. Ang laki nga pala ng school na ito! Napakalaki rin ng oval! Sa likod ng Oval ay may building doon na bago at nakita ko si Karen na pumasok sa maraming kapunuan. Ang araw na sumusunog sa balat ko ay napalitan ng anino ng mga puno. Tahimik ko siyang sinusundan hanggang sa pumasok siya sa isang parang haunted na building! Ito yata ang dating school ng College de Samar! Ang lawak lawak ng school na ito. Hindi mabaho o marumi. Kung tignan mo lang ay parang marumi dahil luma na at may mga nakaukit pa sa dingding na mga bastos na salita. Pinunasan ko ang aking pawis ng pumasok si Karen sa isang pintuan at nakarinig ako ng iilang sigaw doon! Mabilis akong nagtago sa gilid ng pintuan at sumilip! "Ito na po ang rank 1065. Siya lang po ang pasaway. 12 paddles ang naisipan naming parusa." "B-Borge n-naman.." May lalaking naka cap at naninigarilyo. Tila kanilang hari iyon. Umismid ako sa galit. "Hari!" mahinang singhal ko. "Talikod na Karen! Kasalanan mo kasi e!" narinig ko ang boses ni Annika. Nanlaki ang mga mata ko. Dahil pagkatapos niya iyong sabihin ay nakipag halikan siya sa lalaking si Borge! Naawa ako dahil nakita ko ang panginginig ni Karen! Pumulot ako ng isang kahoy na nakita ko sa sahig. Ipapalo ko ito sa ulo ni Borge pag nagkataon! "B-Boss, kasi nag-nagbakasyon kami." "Bakasyon! Wala! Talikod na at may pito pa kaming bagong i-evaluate mamaya." Humikbi si Karen at tumalikod. Bago pa ipaddle ni Borge si Karen ay mabilis akong tumakbo at hinampas ang ulo niya! Doon ko natanto na ang dami pala nila sa kwartong ito! Mga hindi ko kilala! Halong babae at lalaki! Dumaing si Borge at napaupo pa sa sahig. "I-Isusumbong ko kayo sa police!!" sigaw ko at masamang tinitigan si Borge. Hinawakan ni Karen ang siko ko. "A-Ad..." umiyak siya. Niyakap ko ang aking pinsan ng tumayo ang lalaking kanilang boss. Natulala ako at napalunok. "Bring the girl in my room." aniya. "S-Si Karen boss?" tanong ni Annika. "No. Bring me the gate crasher woman." At tumalikod siya bago pumasok sa isang pintuan at hindi nakatakas sa mata ko ang kama na naroroon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook