When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Mhina Hanggang sa nakapasok na kami sa loob ng Mall ay tulala pa rin ako. Hindi mawala-wala sa isipan ko 'yong masamang panaginip ko. Mabuti na lang din at hindi 'yon totoo. Kundi, baka nasa hospital na kami ngayon. "Ang sabi ko, isukat mo 'to. Ano bang itinutulala-tulala mo d'yan?" Napalingon akong bigla kay Daemon nang bigla siyang lumapit sa akin at ipinatong sa lap ko ang isang pares ng stiletto. Kasalukuyan ako ngayong nakaupo sa isang mahabang silyang naririto sa gitna ng isang ladies shoes boutique. Nagtataka naman ako sa lalaking ito kung bakit dito niya ako dinala. Akala ko ba ay maggo-grocery lang kami? "Move. May pupuntahan pa tayo," mahina ngunit mariin niyang utos sa akin. Mukhang iniiwasan din naman niyang marinig siya ng mga sales lady na naririto. "May event ba uli
