Dahan-dahang lumapit si Phrylle sa lalakeng nakatayo, pinikit-pikit pa niya ang kanyang mga mata, at baka namamalik-mata lamang siya. Dahil na kainum siya kinurot muna niya ang kanyang mukha, para nasisigurong talagang hindi siya nananagnip sa mga oras na 'yon, at baka sa sobrang pag-iisip niya sa pagkawala ni Gavin, ay kung ano-ano na ang kanyang nakikita. Ngunit nasaktan siya sa kanyang pagkurot sa kanyang pisngi, kaya't alam niyang totoo ang kanyang nakikita ngayon, kahit medyo madilim ang paligid. "Sino ka?" ulit na tanong ni Phrylle sa lalaki. Ngunit hindi pa rin ito gumagalaw or sagutin man lang siya. Kaya dahan-dahan ulit siyang lumapit sa lalaki, kasing katawan ito ni Gavin at magkasing-tangkad din ang mga ito, imposible kayang sa Gavin 'to, sa isip ni Phrylle. Parang na estatwa s