Tumango naman ang tauhan nito, sa sinabi ng kanilang boss. Samantalang wala namang pakialam si Phrylle sa kanyang paligid. Hinihintay pa rin nito ang kanyang sundo. Masaya siyang nakaalis na siya ng bansa at hindi na niya makikita ang mga taong nanakit sa kanya. Habang papalapit nag tauhan ng kalaban ni Gavin ay sakto namang dumating ang kanina pang hinihintay ni Phrylle. Agad na umalis ang lalaking kanina pa gustong lapitan si Phrylle. Senenyasan naman siya ng kanyang boss na umalis na dahil baka may makahalata, maraming tao sa lugar na iyon baka magkagulo pa. Masaya na siyang nalaman na nakita nito ang asawa ni Gavin. --- "Gawin n'yo ang lahat mahanap lang si Phrylle!" sigaw ni Gavin sa kanyang mga tauahan. Galit na galit ito dahil sa hindi nito alam kung nasaang lupalop ang asawa naro