Ramdam na ramdam ni Phrylle na lumapat na ang mainit na labi ni Gavin sa kanyang labi, nang biglang mag-ring ang cellphone ni Phrylle. Sabay silang nagulat at sabay talikod na rin ni Gavin at pumunta sa sala. Agad namang sinagot ni Phrylle ang tawag gulat itong makita na ang kanyang ama ang tumatawag. "Hello." sagot ni Phrylle. "Bakit nasaan ka, hindi ka umuwi ng bahay." wika ng ama sa kabilang linya. "Dad, may nilakad lang akong importante, uuwi rin ako baka bukas." sabi naman ni Phrylle sa ama. "Siguraduhin mong uuwi ka dahil may mahalaga tayong pag-uusapan." wika ng ama. Alam na ni Phrylle, kung anong pag-uusapan nila ng magulang. "Sige po," pagsang-ayon na lang niya para hindi na humaba ang kanilang usapan pa. Narinig naman ni Gavin ang usapan nilang mag-ama. Alam ni Gavin, kung a