Nagpakawala ng malademonyetang ngiti si Phrylle, dahil magkikita na sila ni Gavin. Ang muling paghaharap nila, at magsisimila na siyang gumanti dito. "Sure, Dad, ako ng bahala rito bukas, ako naman ang magpapatakbo sa mga negosyo natin. Kailangan n'yo na rin ni Mommy magpahinga muna." wika ni Phrylle sa kanyang mga magulang. "Salamat, anak at natuto ka kay Louie sa pagpapatakbo ng negosyo." wika ang kanyang ama. "Naman, Dad, kaya ako umuwi para pamahalaan ko ang ating negosyo." sagot ni Phrylle sa ama. "Siya nga pala, bakit hindi mo kasama si Louie umuwi rito para naman makapagbakasyon siya rito sa atin." tanong ng ina ni Phrylle. "Busy pa siya sa ngayon mom, susunod na lang daw siya kapag medyo maluwang na ang kanyang schedule." sagot naman ni Phrylle sa magulang. "Ganoom ba, sige u