Nakatingin si Phrylle kay Paul, habang hawak nito ang phone na nagriring. "Gavin?" bigkas ni Phrylle habang nakatingin siya kay Paul. "Huh?" kunot noong tanong ni Paul. "Bakit nasa sa'yo ang number ni Gavin?" tanong ni Phrylle, habang nakatitig pa rin siya kay Paul. "Binigay sa akin ng mga magulang niya ang number niya, para alam ko ang mga koneksyon niya sa ibang tao, at ang mga kausap niya." kampating sagot ni Paul kay Phrylle. "Sigurado ka?" tanong ni Phrylle, parang hindi pa rin talaga siya naniniwala sa mga sagot ni Paul sa kanya. "Yes." mabilis na sagot ni Paul. "Sana nga lang nagsasabi ka ng totoo." ani Phrylle. "Yes, ako pa." ani Paul. "Good." nasabi lang ni Phrylle, at humarap na siya sa kanyang computer. "Wait, bakit sobrang apektado ka yata sa pagkawala ni Gavin? may r