CHAPTER 1
I was driving my car to go to school and I'm singing while I play my favorite song. I was in third year college and I'm taking up Business Administration. I was studying at Saint Carmellete University which is still owned by my father.
Kahit na ama ko ang may-ari noon ay hindi naman ako nagpapabaya sa aking pag-aaral at parati akong top 1 sa klase. Nagmana raw kasi ako sa aking ina pero sa kasamaang palad ay iniwan kami nito dahil mas pinili niya ang unang nakarelasyon niya kaysa sa amin.
Galit ako sa kan'ya dahil iniwan niya kami ni daddy. Si daddy lang ang karamay ko at parati kong kasama even when he's busy on his own business. I love my dad soo much, at siya lang ang tinuturing kong magulang na lang ngayon.
Lahat ng gustuhin ko ay sinusunod niya at madali ko naman nakukuha, that's why kapag siya naman ang humiling sa'kin ay pagbibigyan ko rin naman basta't kaya kong ibigay sa kan'ya.
Ipinarada ko ang aking sasakyan at nakita ko naman kaagad ang dalawa kong malanding kaibigan na si Rein at Thea. We're bestfriends since elementary at galing din sila sa isang mayamang pamilya at nagmamay-ari sila ng malalaking kumpanya rito sa Maynila.
Ako lang naman ang spoiled brat sa aming tatlo. Ang sabi ng iba maarte, suplada, at masama raw ang ugali ko. Well, I don't care of what people say about me. I don't force them to like me dahil ayoko rin naman makipag plastikan sa kanila.
Pagkababa ko ng aking sasakyan ay umirap pa nang pabiro si Thea at humalukipkip. Nakipagbeso-beso ako sa dalawa kong kaibigan na kadalasan naman naming ginagawa sa tuwing nagkikita kami.
"What took you so long Miss Faye Eveleigh Estefan?" I rolled my eyes then pinch her nose.
"Ang taray mo yata ngayon? May dalaw ka?" natatawa kong turan.
"Pagpasensyahan mo na siya Leigh nagbreak na kasi sila ng boyfriend niya," ani Rein.
Hindi na ako nagulat dahil naka ilang boyfriend na rin siya at hindi naman nagtatagal ang relasyon nila. Nasanay na rin siya at mukhang ginawa na rin naman niya itong libangan.
"You know me b***h, it's just lust." Nauna na siyang maglakad at kami naman ni Rein ay naiiling na lang siyang pinagmasdan.
Habang tinatahak naman namin papunta sa classroom namin ay panay sipol naman ng mga kalalakihan sa akin na hindi ko naman pinagtuunan ng pansin.
I ignore even one of the guy who approach me it's because I don't trust them. Maraming nanliligaw pero iisa lang ang sinasabi ko sa kanila.
Bago pa ako pumasok sa classroom ay humarang naman sa may pintuan si Maxx kasama ang dalawang alalay niya. Napairap ako at humalukipkup sa kaniya, samantalang siya ay malapad na ngumiti sa akin.
"Hi darling!" he said while smiling at me.
"Will you please get out of my way?" masungit kong turan sa kaniya.
Nakatingin naman sa akin ang dalawang kaibigan ko na nasa loob na ng silid namin at pinapanood lang akong makipagtarayan kay Maxx.
Si Maxx ay isang kilalang playboy at halos yata lahat ng kababaihan dito sa buong campus ay naging girlfriend na niya. Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit wala akong tiwala sa lahat ng mga lalaki except my dad.
"Darling, can't you please approach me in a nice way?"
"Maxx?"
"Yes Darling?" nakangiting saad niya habang nakasandal sa hamba ng pintuan.
"You want me to slap you twice if you didn't get out of my way?" Nakataas ang isang kilay ko at nakahalukipkip sa kan'ya.
Lumapit siya sa akin at napaatras naman ako ng isang beses. Dahil sa may katangkaran siya ay bahagya siyang bumaba para magpantay kami at ngumisi pa ito sa akin na mas lalo kong ikinainis.
"Bakit ba ang sungit mo?" Alam mo bang mas lalo kang gumaganda kapag nagsusungit ka?" I pushed him away and stared wickedly.
"If you don't have a woman to play with, don't me Maxx. Dahil wala kang mapapala sa'kin." Pumasok na ako sa loob ng classroom at hindi ko na muling sinulyapan si Maxx.
"Patay na patay talaga sa'yo 'yong masugid mong manliligaw ha," bulong ni Thea na nasa kaliwang bahagi ko.
"Bored lang siya"
"Anong bored? Matagal ng may gusto sa'yo 'yon at isa pa hindi siya mangungulit sa'yo ng gano'n kung hindi siya seryoso. Ngayon ko lang siya nakitang ganiyan," naiiling na wika ni Thea.
"We're not sure Thea because we don't know what maxx's motive is," said Rein while looking at her mirror.
"Anyway bitches, he's not my type"
"Kahit na ang hot niya at ang sarap papakin?" nakahalumbabang wika ni Thea.
I faced her and raised my eyebrow. "Kaya ang bilis mong maloko kasi ang hilig mo sa hot pandesal"
"Hoy! Sobra ka naman b***h, nag-eenjoy lang ako 'no," nakangusong turan niya.
Pagkatapos ng first subject namin ay nagpasya kaming pumunta sa library para sa research namin sa Physics. Napahinto kami nang magawi kami sa deans office at nagtaka dahil ang daming babaeng estudyante ang nakatambay doon at tila parang may artistang inaabangan.
"Anong meron?" tanong ni Rein.
"Aba malay ko! Pare-pareho tayong walang idea, kita mo naman magkakasama tayo 'di ba?" sabay irap ni Thea pagkasabi niyang iyon kay Rein.
"Why are you being rugged? Epekto ba 'yan ng break-up?" pang-aasar pa ni Rein.
Nakita kong lumabas ang isang lalaki roon at ang lahat ng kababaihan na nandoon ay sinusundan siya nang tingin. Nakatalikod ito sa amin kaya hindi ko nakita ang kaniyang itsura. Base sa kaniyang tindig ay mukha naman itong guwapo talaga, dahil kung hindi ay hindi naman magkakagulo ang mga estudyante rito.
Well, wala naman akong pakialam kung ano pa ang itsura niya. Dahil una sa lahat ay hindi ko naman pinagtutuunan ito ng pansin sa kahit na kaninong lalaki pa.
"Na-curious tuloy ako tingnan kaya natin?" ani Thea.
"D'yan ka magaling Thea kaya ka naloloko eh." Inirapan lang niya si Rein at ngumuso.
"Let's go bitches, we have a lot of things to do." Nauna na akong maglakad sa kanila at sumunod na rin sila sa akin.
Pagkatapos naming magpunta sa library ay nagmamadali naman kaming bumalik sa klase dahil tatlong minuto na lang ay magsisimula na ang klase. One of our classmates told us that the professor who replaced our former professor was crabbed and he didn't want to be late in class.
We were close to our classroom when my cellphone rang. I immediately picked it up and saw daddy's calling.
"Hello dad"
"Hi anak, nandito ako sa airport ngayon papunta sa U.S dahil may mahalaga akong business meetings na pupuntahan"
"Ganoon ba dad? Kailan ang balik mo?"
"Next week hija, and I have something important to tell you when I got back"
"Okay dad, I'll wait for you and you take care okay?" Pagkatapos kong makipag-usap sa daddy ko ay patakbo naman akong pumunta sa aming classroom.
Hinihingal naman akong pumasok sa loob at lahat sila ay nakatingin sa akin pagkapasok ko. Napabaling ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa aking harapan at nakasandal sa lamesa at naka krus ang mga binti.
He stared at me intently and he even crossed his arms. He is good looking, tall, and have a reddish lips. Ito siguro ang pinagkakaguluhan ng mga estudyanteng babae sa harap ng deans office kanina.
"Why are you late?" mahina ngunit nakakatakot niyang wika sa akin.
"Ahhm, m-my dad called me earlier thats why__"
"Is that a reason?" Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko at parang napahiya ako dahil doon.
Sa buong buhay ko ay hindi pa ako nakakaranas na mapahiya lalo na sa harap ng mga estudyante. Siya lang ang namumukod tanging gumawa sa akin nito dahil isa siyang propesor.
"Well I'm sorry sir. Will you please forgive me this time?"
"I'm not allowing my student to enter this room if they don't have a valid reason why they are being late." Napamaang ako dahil sa sinabi niyang iyon.
Napatingin naman ako sa mga kaklase ko na nasa akin ang atensyon. Napabaling naman ang tingin ko kina Thea at Rein na nakaupo sa dulo at tila gusto akong lapitan. Umiling ako sa kanila at muling hinarap ang propesor at mukhang hinihintay lang niya akong lumabas.
Napairap ako at mabilis na lumabas ng classroom at pabagsak kong isinara ang pinto dahil sa inis. Pagkalabas ko naman ay nagpapadyak pa ako at ginulo ko ang aking buhok.
"How dare you treat me like that?" may diing wika ko sa aking sarili at masama kong tinitigan ang pintuan ng classroom. "f**k you b***h, hindi ko ito palalagpasin." Pagkasabi kong iyon ay padabog naman akong naglakad palayo.