Chapter Two

2064 Words
4 weeks Later. MULA SA laptop ay nabaling ang tingin ni Aaric sa isang banig ng suppressant na inilapag ng beta niyang Hawk sa kanyang office table. "Alpha, baka makaligtaan niyong inumin." "Salamat, Hawk." aniya na inabot ang tablet at basong may lamang tubig, kuway agad iyong ininom. "Nag spray na din ho ba kayo ng Alpha pheromones perfume niyo, Alpha?" Agad nitong segunda matapos niyang mainom ang gamot. Kunot ang noong tinaasan niya ito ng tingin. "Yes, of course. You worried too much, Beta." Nangamot ito sa batok at tipid na ngumiti. "Pasensya na, Alpha. Napapansin ko ho kasi nitong mga nakaraang araw natutulala kayo, at paminsan-minsan ay nawawala sa sarili." Natigilan siya. Hindi niya akalain na mapapansin nito 'yun. Aminado siya at hindi niya itatanggi 'yun. Kahit ilang beses niyang itinatatak sa kanyang isipan na hindi na niya dapat pang isipin ang Alpha ng gabing iyon ay hindi niya maiwasan. Sa tuwing iniisip niya 'yung naganap sa kanila nung Alpha ng gabing 'yun, hindi niya maiwasang pag-initan ng katawan. Iniwasan niya ito ng tingin. "Iniisip ko lang kung ano ang magagawa nating tulong para sa Moon Pack. Nitong buwan kasi ilang beses na silang sinugod ng mga Rogues. Katabi lang natin ang Poblacion kaya hindi malaong mangyari na ang pack natin ang isunod nila." Mahaba niyang paliwanag na meron kasinungalingan, meron din namang katotohanan kahit na papaano. "Imposible Alpha, dahil sa mga napatumba niyong mga Rogues, malamang natatakot na silang kalabanin ang Pack natin." Lihim siyang ngumiti. Hindi niya ipinagmamayabang, pero mahusay siya sa pakikipaglaban. Kahit anong armas o sandata ay kaya niyang gamitin. Dahil talagang itinuro sa kanya ng kanyang Lolo ang lahat ng alam nito sa pakikipaglaban, ito lang din kasi ang tanging alas niya laban sa mga Alpha o Rogues na gustong sakupin ang pack. "Salamat sa tiwala, Hawk. Pero hindi tayo pwedeng magpakampante. Tandaan mo, Omega lang ako. Kahit ano mang oras ay pwede ako matalo ng malakas na Rogues at ng isang Alpha." tulad ng lalaking 'yon. Dugtong ng kanyang isipan. "Minamaliit niyo na naman ang sarili niyo, Alpha." "Nagsasabi lang ako ng totoo." "Hindi naman kayo dating ganyan. Nagsimula kang mawalan ng bilib sa sarili mo noong matapos ang gabing iyun." anito. Muli na naman siyang natigilan dahil meron na namang katotohanan ang sinabi nito. Nawalan siya ng tiwala sa sarili nang makaharap niya ang dominenteng Alpha na 'yun. Ipinatotoo sa kanya nito kung sino at kung ano talaga siya. "Huwag na natin pag-usapan 'yan." Pag-iwas niya. "Pasensya na Alpha." tango lang ang kanyang isinagot. "KUMUSTA ka na?" tanong ni Aaric kay Vance. Dinalaw niya ito sa pack house nito para kumustahin. Matindi rin kasi ang natamo nitong sugat dahil sa pag-atake ng mga Rogues sa pack nito. Nangiwing umayos ito sa pagkakaupo habang sapo ang kaliwang tiyan na may bandage. Wala itong suot na damit pangitaas. "I'm fine. Gagaling din ito." Nangingiting umiling siya. "Why not look for your mate? So, your wounds can heal quickly." Umasim lalo ang ekapresyon ng mukha nito. "Mate may ass!" Aaric knows what Vance went through with his ex fiance Laila. Nasaksihan din niya kung paano ito nahirapan na mag move on sa pagkamatay ng dating kasintahan. Isa rin siya sa mga umagapay at sumama sa paglabigo nito, kahit pa ilang beses siya nitong pinagtabuyan. Mula nang mawala si Leila, wala siyang nabalitaan na may ibang omega itong kinasama o nakalandian. Patunay lang iyun na hindi nito magawang makalimutan ang minahal na babae. "It's been four years. I think this is the right time to find your happiness, Vance." kibit balikat niyang sabi. Walang emosyong tiningnan siya nito. "Ever since Leila died, I no longer know what happiness means, Ric." "Kaya ba pinapatay mo ang sarili mo sa mga laban na kinakaharap mo? There is a reason why you are still alive, Vance. I'm sure someone is still there for you, believe me." Sandali siya nitong tinitigan bago tipid na ngimiti. "Have you ever experienced love, Aaric?" Natigilan siya sa tinanong nito. "Ano naman ang kinalaman niyan sa pinag-uusapan natin?" "Ever since we were young, I had never even heard that you had a lover." seryoso nitong sabi. Pero nahihimigan ni Aaric ang pagkakastigo nito sa kanya. "This is not about me-" "So, even you, do not know the meaning of happiness, because you have never experienced love." Totoo naman 'yun. He never experienced love or belove. Mula nang magkaisip siya ang atensyon niya ay nasa pagtuturo ng abuelo niya, kung paano maging isang Alpha. Kung paano magpanggap na maging isang tunay na Alpha. Magsasalita pa sana siya nang dumating ang isa nilang kababata na si Karrim. Ang pinaka maangas at playboy sa kanila. "Hey fuckers!" Aaric rolled his eyes. "Don't call me that way, Karrim. I'm not a f**k boy like you." aniya. "Ma either." segunda ni Vance. Nakakalokong tumawa ito na naupo sa tabi ni Vance. Tumuon ang mga mata nito sa sugat ni Vance, kuway ay nangiwi. "Oohh! That's hurt!" "Kaya ka ba nandito para tingnan kung patay na ako?" tanong ni Vance kay Karrim. Kinunotan ito ng noo ni Karrim. "Ganyan ba kasama ang tingin mo sa akin? Of course, im here to check if you are okay." "Nakakagulat lang. Wala ka naman kasi ibang alam kundi ang ikama ang mga omega. Babae man o lalaki." Isa iyun sa dahilan kung bakit hindi niya magawang makasundo si Karrim, dahil sa kawalang hiyaan nito sa mga Omega. Tingin nito sa mga Omega ay isang lamang laruan at parausan. Naiiling na ngumiti ito habang sapo ang sentido. "Damn! That's hurts my ego." "Totoo naman kasi." Aaric murmured. Kunot ang noong tiningnan lang siya nito bago umiling. "Anyways, I'm here to tell you that Maximus is back." Pareho silang nangunot ng noo ni Vance. "Maximus?" "Maximus Zion. Yung uhugin. Hindi mo maalala, Vance?" si Karrim. Hindi siya maka relate sa pinag-uusapan ng mga ito. He never met that Maximus, Karrim talking about. Ang seryosong mukha ni Vance ay napalitan ng kagalakan. "Yeah! I remember him! He is back?" tila hindi makapaniwalang tanong nito. "For good." Nang tingnan siya ni Vance ay nabasa niya ang pangamba sa mga mata nito. Pangamba para kanino? PAGKAUWI ni Aaric galing sa pack house ni Vance ay agad siyang dumiretso sa banyo para ibabad ang katawan sa mainit na tubig, sa bathtub. Ipinikit niya ang mga mata para irelax ang sarili. Pero sa pagkapikit ng kanyang mga mata ay ang mukha ng estrangherong Alpha ang nakita niya. How he kissed his whole body and how he penetrated his manhole. Mahina siyang napaungol na tila nararamdaman niya ang init ng mga kamay nito sa kanyang buong katawan. Naramdaman niya ang pagkiliti ng kaloob-looban niya. Inumpisahan niya ang paghaplos sa sarili niyang katawan at handa ng pasukin ang sarili. Biglang napadilat ang kanyang mga mata, nang may biglang sumabog di kalayuan sa mansion. "s**t!" mabilis siyang napa ahon mula sa pagkakalubog sa tubig. Kinuha ang tuwalya at mabilis na ibinalot ang pangibabang katawan. Malalaki ang mga hakbang na lumabas siya ng kwarto. "Hawk!" tawag niya sa beta na agad din namang dumating. "Alpha." "Ipaalerto mo ang mga Delta!" Sigaw niya. "Masusunod, Alpha!" Dali itong itong tumalima at siya naman ay kinuha ang baril na nasa ilalim ng kanyang unan. Kinasa niya iyon bago sumunod kay Hawk. Ihahakbang na sana niya ang mga paa nang biglang bumigat ang kanyang pakiramdam. Sumikip ang kanyang paghinga at mabilis na tumibok ang kanyang puso. Ang ganitong pakiramdam ay hinding hindi niya makakalimutan ng gabing iyun. Pero hindi siya pwedeng magpatalo sa takot na nararamdaman niya ngayon. Ang dapat niyang isipin ay isa siyang Alpha at hindi dapat magpadaig sa takot. Kinuyom niya ang kamao at dumiretso ng tayo. Kailangan siya ng pack, kaya kailangan niyang harapin kung sino man ang pangahas na sumugod sa kanyang teritoryo, Alpha man o Rogues. "Alpha." Tawag pansin sa kanya ni Hawk nang nasa portico na siya. Tigagal ito. Sinundan niya ng tingin ang mga mata nito sa limang lalaki. Lima lang ang mga ito, pero halos lahat ng Delta niya ay napatumba ng mga ito. Mas natuon ang kanyang pansin sa lalaking nakasuot ng itim na maskara. Nang makita siya nito ay ibinato nito ang walang malay nang Delta at mataimtim na tumitig sa kanya. "Ikaw pala ang Alpha ng teritoryong ito?" He has a deep sharp voice that can make his body shiver in fear. "Who are you? What do you want in my teritoryo?" Taas noong tanong niya. Tinatago ang nginig sa boses niya. Hindi ito sumagot bagkos hinawakan nito ang suot na maskara at marahan iyong hinubad. Para siyang pinapako sa kinatatayuan habang unti-unti niyang nakikita ang mukha nito. Parang binuhusan ng isang nagyeyelong tubig si Aaric nang tuluyang niyang masilayan ang pamilyar nitong mukha. Ang inner wolf niyang si Simba ay biglang nabuhay sa kanyang kaloob-looban. Nakikilala nito ang Alpha na nasa kanilang harapan ngayon. "M-Maximus Z-Zion." Narinig niyang bigkas ni Hawk. Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. Kilala nito ang dominanteng Alpha? May takot siyang naramdaman. Pinagdarasal na sana hindi siya nakilala nito. Pero imposible iyun. Teka! Tama ba ang rinig niya? Maximus Zion? Ito ang tinutukoy ni Karrim kanina. Ito si Maximus Zion, ang Alpha na nanamantala sa kanya ng gabing iyun. "Nasaan ang kapatid ko, Beta Hawk?" dumagundong ang boses ni Maximus sa kapaligiran. Kinunotan niya ng noo si Hawk. "What did he mean?" Gumalaw ang mga panga nito. "His sister is my mate, Alpha." mahina nitong sagot. "Y-your mate?" Sandali niyang sinulyapan si Maximus na may pagbabanta sa nga mata nito. "P-pero hindi pa kami nagkikita ni Maxine, Alpha Maximus. Kaya hindi rin ako makapaniwala sa sinabi mong nawawala si Maxine." paliwanag ng beta niya. Naramdaman niyang nagpakawala si Maximus ng pheromones dahilan para manghina si Hawk at gano'n din siya. Pero hindi niya iyon pinahalata. "Isa sa mga ayaw ko ay 'yung sinungaling." Anito pagkatapos ay bumaling ng tingin sa kanya. "Hindi nagsisinungaling ang beta ko, Maximus. Your sister is not here!" pagdipensa niya kay Hawk. Tumaas ang dulo ng kabi nito. "Should I believe you?" Napalunok siya. "Nag sasabi ako ng totoo. Kahit halughugin mo pa ang buong mansion. Hindi mo makikita ang kapatid mo rito." tinigasan niya ang boses para pagtakpan ang takot na nararamdaman. Tumaas ang kilay nito. "Is that so?" naka hinga na siya nang maluwag nang itinago na nito ang pinakawalang pheromones. Tinitigan siya nito na tila kinakalkula kung nagsasabi siya ng totoo. "Pagbibigayan ko ngayon ang Beta mo, Alpha. Pero babalik ako kapag napatunayan kong mali kayo. At ikaw ang uunahin kong Patumbahin." Binigyan siya nito ng isang pagbabantang tingin. Ang mga mata nito ay bumaba sa ibaba niyang katawan. Ngayon lang niya naalala na tanging twalya lang ang suot niya. Tumaas ilit sa mukha niya ang tingin nito at binigyan siya ng isang nakakalokong ngiti bago ito tumalikod at naglakad palayo. Agad namang sumunod ang mga kasama nito. Makahulugang tingin ang ibinigay niya kay Hawk at walang salitang bumalik sa kanyang opisina. Ito naman ay sumunod sa kanya. "I'm sorry, Alpha." si Hawk nang makapasok sila. Buntong hiningang hinarap niya ito. "Kailan mo pa nalaman na mate mo ang Maxine na 'yun?" "Noong nakaraang buwan lang. At hindi ako tanggap ni Alpha Maximus para sa kapatid niya kaya umuwi siya rito sa Tierra De Lobo." Mariin siyang napapikit. "Gano'n ba?" hinilot niya ang sentido. Tiningnan niya ito. "Hindi ka ba natatakot sa kanya?" "Inaamin kong nakakatakot ang lakas na meron si Alpha Maximus, dahil isa siya sa mga Alphang kinakatakutan sa iba't ibang distrito. But I love Maxine, I'm willing to deal with everything for her, even her brother." diterminado nitong sagot. "That's all I want to hear." Hinawakan niya ito sa balikat. "Nasayo ang buong suporta ko, tulad ng pagsuporta mo sa akin, Hawk." nagbutong hininga siya. "Kung totoo man na nawawala ang mate mo, kailangan natin siyang hanapin, para mapatunayan sa kapatid niya na wala tayong kinalaman." "Nangangamba ako, Alpha. Paano kung hawak siya ng mga Rogue?" "Kung ganun, kailangan natin umaksyon." Yumukod ito. "Salamat, Alpha!" Nang maiwan siyang mag-isa ay hindi niya maiwasang isipin ang lalaking isang buwang laman ng isipan niya. Hindi niya inaasahan na muli niya itong makikita. Paano kung ipagsabi na nito ang tungkol sa tunay niyang pagkatao? Tiyak ito na ang kanyang katapusan bilang isang Alpha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD