Chapter Seventeen. Nakamasid ako kay Ate Susan. Wala na akong saplot na naghihintay sa liliguan ko. May kasamang pagdadabog ang kilos nito. Mukhang naalimpungatan ito tapos inutusan na ipaghanda ako ng liliguan. "Pwede ba sa susunod kung tatakas ka ay huwag kang papahuli pa ulit at babalik dito. Hindi ka nararapat dito. Dapat sa 'yo ay mamatay o makulong." Hindi na nito napigilang magsalita. "Nakakatakot naman pong mamatay o makulong, ate. Pero kung may kasama po ako baka kayanin ko po. Gusto mo po bang magboluntaryo?" maayos naman ang tanong ko pero hinampas nito ang tubig sa bathtub na para bang inis na inis siya. Saka niya ako biglang inatake. Sinakal. Humanpas pa sa pader ang likod ko dahil sa lakas ng pwersang ginamit niya. "Mukha ba akong nakikipaglokohan sa 'yo?" hiyaw niton

