5. Labas

1250 Words
Chapter Five "Kumain na tayo," yaya ni Malena. "Mamaya pa darating iyong ibang supply na magagamit ninyo ng ilang araw rito. Hindi ako mananatili rito. Doon ako sa bahay ng anak ko. Pero pupunta ako rito para lutuan kayo at asikasuhin." "Malena, salamat. Pasensya na rin sa abala." "Pare-pareho tayo ng layunin dito. Kailangan bumagsak ang administrasyon. Mas magiging maayos ang buhay ng lahat kung mapapababa si Governor Claude Dela Marco." "Manang Malena, pangit po ba Ang serbisyo ng gobernador?" tanong ko rito. "Pangit. Kawawa ang mga tao sa kanya. Malupit siya, Manika. May mga tao siyang tinanggap sa capitol ng walang dahilan. Nangangamkam din ng lupa ang gobernador na iyan." "Paano siyang nanalo? Bakit po siya nanalo noong election?" "Aba'y maraming uto-uto, hija. Palibhasa'y gwapo ang gobernador ay paniwalang-paniwala ang mga tao na mabuti siya. Pero hindi, Manika. Masama siya at hindi iyon magbabago." Sila naman ang nakaaalam dahil sila ang mamamayan ng San Gabriel. "Kurakot din ang gobernador na iyan." Ang dami pa nitong negatibong sinabi laban kay Governor Claude Dela Marco. Halos hindi ko na nga mailunok ang pagkain ko dahil sa mga sinasabi nito. Pagkatapos kumain ay si Selsa ang magprisintang maghugas. "Selsa, bilisan mo d'yan. Lalabas tayo," ani ni ina. Nagkatinginan kami ni Selsa. Parehong napangiti. "Selsa, tulungan na kita para mabilis tayong makagala," excited na ani ko sa babae. "Manika, hindi!" agad na awat ni ina. "Baka mapagod ang kamay mo, anak. Maupo ka lang at maghintay kay Selsa." "Upo na, Manika. Huwag pasaway. Mabilis lang ako rito," kumindat pa ang babae bago nagsimulang maghugas. Naghintay naman ako. Habang naghihintay ay inayos ni ina ang buhok ko. Sinuklay at tinirintas iyon. "Napakaganda ng anak mo, Lourdes. Hindi maiisip ng mga tao rito na galing bundok iyang bunso mo." Napangiti si ina. Halatang natuwa sa kanyang narinig. Results ito nang labis na pag-aalaga niya sa akin. "Alagang-alaga ko talaga itong si Manika. Aba'y prinsesa namin ni Samael ito." Napangiti ako at yumakap sa bewang ni ina. "Mapalad si Manika na may ama siyang handang gawin ang lahat makatulong lang sa bayan." "Para sa mga anak namin kaya gusto naming maging maganda ang Pilipinas. Mahirap pero ilalaban namin ang karapatan ng mga tao para matamasa rin ng mga anak namin ang ganda ng mundo." "Tara na?" biglang singit ni Selsa na halatang excited na makagala. Kasama namin si Manang Malena nang lumabas kami pero nagpaiwan na ito at sinabihan na lang kami na huwag masyadong lalayo. Kasama naman namin si ina kaya panatag kami ni Selsa. "Walang lalayo sa akin. Baka mawala kayo at mahirapan akong hanapin kayo," bilin ni ina. Kaya nakakapit ako sa braso ni ina at nakakapit naman sa braso ko si Selsa. Nang nakita ni Selsa ang mga kabataan na nakapila sa isang bilihan ay nakipila ito. "Selsa?" takang ani ni ina. Itinuro ni Selsa ang pagkain na hawak ng isang bata na dinidilaan pa niya. "Ice cream iyan, Selsa. May bayad ang mga pumipila d'yan. May pera ka ba?" tanong ni ina. Napabalik tuloy sa tabi ko si Selsa. "Wala po, auntie," malungkot na ani nito. Dumukot sa bulsa si ina saka iniabot iyon kay Selsa. Pareho kami ni Selsa na ang buhay ay umikot sa bundok. Maraming bagay ang hindi alam. Mangmang? Siguro. Marunong akong bumasa at sumulat. Pero hindi ako magaling sa English at math. Tagalog lang ang alam kong basahin dahil iyon lang din naman ang alam ni ina. Marunong mag-add at subtract pero hindi marunong sa mga komplikadong usapan sa math. Pumila kami ni Selsa. Nakamatiyag lang naman si ina sa amin. Nang kami na ang nasa harapan ay tinanong kami ni manong. "Ano sa inyo?" nagkatinginan kami ni Selsa. "Ice cream?" hindi tiyak na ani ko iyon ang sinabi ni ina kanina. "Alam kong ice cream. Anong flavor?" bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam ang isasagot. Kinakabahan ako sa gano'n bagay lang. "Ube," ani ni ina. "Ube!" bulalas ni Selsa na ginaya lang si ina. Iniabot nito ang isang daan. Tinanggap naman iyon ng tindero. "Apa, baso, o tinapay?" daig ko pa ang pinagsusulit ni ina. Lumingon ulit kami sa aking ina na tinabihan na kami. "Iyong apa na lang." Mabilis namang kumilos ang lalaki. Nang tanggapin ko ang ice cream ay sobrang lawak ng ngiti ko. Nang si Selsa na ay napapalakpak pa ito. Unang dila, aba'y sobrang sarap pala. "Ina, ang sarap!" kinikilig na bulalas ko. Hinila na kami ni ina para gumilid. May sasakyan kasing paraan at ang mga tao ay tuwang-tuwa na nag-umpukan. Huminto ang sasakyan at bumukas ang bintana sa likod na bahagi. Isang gwapong lalaki ang naroon. Narinig ko pa ang singhap ni Selsa. Ako naman ay parang huminto ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam. Ngayon lang ako nakakita ng gano'n klase ng mukha. "Napakakisig niya," mahinang bulalas ko. Siniko naman ako ni ina. "Si Governor Claude Dela Marco iyan, Manika," seryosong bulong nito sa akin. Agad akong napailing at ibinalik ang atensyon sa ice cream. Hindi ako dapat humanga sa gwapong gobernador. Salbahe siya 'di ba? Pero nakakapagtaka lang kasi tuwang-tuwa ang mga tao sa presensya nito. Kinamayan niya ang mga taong nakikipagkamay. Kumaway pa ito bago muling sumara ang bintana ng sasakyan at umusad na iyon paalis. "Grabe! Kinikilig ako. Sobrang gwapo talaga ni gov," bulalas ng isang dalaga. Hinalikan pa nito ang kamay. "Parang hawak ko pa rin ang kanyang kamay," at napalundag pa ito sa labis na kasiyahan. Hinila na kami ni ina. Masyadong maraming tao na ang bukambibig ay ang gobernador. Sobrang gwapo, sobrang bait, sobrang sarap... doon sa sobrang sarap ay hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin no'n. Nakarating kami sa parke. Parke raw ang tawag sa lugar na iyon. May mga batang naglalaro. Kami ni Selsa na ngayon lang nakapunta sa gano'n lugar ay tuwang-tuwa na tumakbo. May duyan naman sa bundok. Sako ang gamit namin. Dito ay baka. Kaya sinubukan namin. Kaso may dalawang batang lumapit at pinaalis kami kasi palaruan daw iyon ng bata. Kaya lumipat na lang kami sa padulasan. Ang saya-saya ko. Ganito pala ang pakiramdam na makapaglaro sa ganitong palaruan. "Luh! Nakikilaro sila. Hindi naman sila bata." Nanulis ang ngusong huminto ako. Si Selsa ay walang pakialam. "Alis nga kayo rito! Ang lalaki n'yo na eh," salbaheng ani ng bata. Hinila ko na si Selsa. Naiiyak kasi ako dahil salbahe sila. Nang nakalapit kami kay ina ay natawa ito sa itsura ko. "Huwag iiyak, Manika," saway agad ni ina. Agad naman akong tumango. Ang laki-laki ko na. Hindi na dapat pang umiyak dahil lang inaway ng bata. Naupo na lang kami sa bakal na upuan. Pinagmasdan ang Parke na ibang-iba sa lugar na kinalakihan namin ni Selsa. "Ina, ang ganda po rito," inabot ni ina ang kamay ko at bahagyang pinisil iyon. Ngumiti ito. "Huwag kalimutan ang plano natin, Manika," paalala nito sa akin. "Opo, ina," kailangan mangyari ang plano. Matagal iyong binuo na pwede Ng gawin ngayon. "Auntie, ano pong ginagawa nila? Bakit sila tumutuwad? Gusto ba nilang magpakan---" turo ni Selsa. Hindi natapos ang sinasabi nito dahil inawat ito ni ina. "Nag-e-exercise sila." "Ina," ako naman ang kumuha sa atensyon nito. "Sila po? Ano pong ginagawa nila? Bakit sila nakanguso?" "Nagpi-picture sila, Manika." "Picture?" takang tanong ko. "Oo. Kumukuha sila ng kanilang larawan." "Ina, gusto ko po ng ganon---" "Hindi, Manika. Bawal tayong makuhanan ng larawan dito." Dahil doon ay agad akong tumango. Hindi ako dapat makalimot. May bawal at iyong bawal na iyon ay hindi namin pwedeng gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD