Ellise Nikyle's P. O. V. Pagdating ko sa sinabing lugar ni Amor ay napanganga ako sa sobrang liit ng daan at dami ng tao na tambay lang. Ang ilan ay mga walang saplot pang-itaas. Mabaho ang amoy ng kanal at ilang batang amoy araw na naglalaro sa kalsada. "Hi, Miss. Ganda mo," ani ng isang lalakeng bumibili sa tindahan. "I already know," mataray kong sabi. "Kai! Nandito ka na pala, sana nag-chat ka muna sa akin," ani Amor na nakasuot ng floral dress. Hindi bagay sa kaniya ang dress na 'to. Wala siyang sense of style hindi kagaya ko. Nakasuot ako ng lettuce crop top and pants. "Kaibigan mo ba 'yan? Ganda ah!" ani ng lalakeng nasa tindahan. Inirapan ko ito. "Kaso, masungit," dagdag niya. "Tigilan mo nga Tonyo! Namumwisit ka na naman!" sigaw ni Amor. Nanlaki ang mga mata ko, ngayon k

