Amiel Harold's P. O. V. Naglalakad ako papasok ng company, nagtipon-tipon ang lahat sa 3rd floor kung saan kasalukuyang nagme-meeting si Dad at Mom kasama ang lahat ng employees. Pagpasok ko ng building ay guard lamang ang nag-assist sa akin papunta sa elevator. Inayos ko ang coat ko at tumingin sa reflection ko sa elevator, ngayon na lang ulit ako naglagay ng gel sa buhok. Hindi ako mahilig dahil pakiramdam ko sobrang lagkit kapag hinawakan. Naihatid ko na si Kai sa school at ako naman ay gagampanan ang tungkulin ko, ang dapat ko talagang trabaho. Bumukas ang elevator, kasabay noon ang pagsasalita ni Dad. "I would like to welcome, my son. Amiel Harold Garcia, the new President of this company." Nang ituro ako ni Daddy ay lahat ng empleyado ay sabay-sabay na lumingon sa akin. Nagpalak

