Ellise Nikyle's P. O. V. Nang itaas ni Sir Amiel ang kaniyang mukha ay nakita ko ang luhang tumutulo mula sa kaniyang mga mata. Namumula ang kaniyang pisngi at mukhang uminom siya. "S-Sir, b-bakit kayo nandito?" tanong ko. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kaya ang paninitig niya. "Nothing, I feel homesick at my parents house, so I went here." Napalunok ako sa sinabi niya, does that means mas at home siya dito kahit na ilang buwan na kaming hindi nakatira dito? "G-Ganoon po ba? Malungkot ka pa rin siguro dahil kay Nerrisa, hayaan mo, Sir. Makaka-move on ka rin." "Ikaw? Bakit ka nandito?" tanong ni Sir. Palinga-linga ako, hindi ako makatingin ng tuwid sa kaniya. Tumingin ako sa dining table, hindi ko nakita ang sing sing. "May naiwan kasi ako, hinahanap ko lang..." bulong ko at l

