Amiel Harold's P. O. V. Days passed, I've been doing good without Nerrisa. Natututo na akong hindi siya isipin. Mas pinagtuonan ko na lamang ng pansin ang trabaho ko bilang teacher, ina-advance ko na lahat ng gawain, kagaya ng dati, pinagpupuyatan ko mag-check ng papers. Nakakapag-gym na rin ako ulit at bumalik sa pagluluto. Kakatapos ko lang magluto ng lasagna. Nang ilabas ko ito sa oven ay napasimangot ako dahil madami pala ang naluto ko. Napakunot ang noo ko, wala na nga pala akong papakainin, bakit ang dami kong niluto? Masyado akong nasanay na mayroong Kai na matakaw sa pagkain. "Uuwi kaya sila Mommy?" bulong ko. Naglagay ako sa plato ng lasagna, ito na ang magsisilbing dinner ko. Habang naglalakad ako sa bahay ay napahinto ako. Ilang linggo na ang lumipas pero ramdam ko pa rin na

