Ellise Nikyle's P. O. V. Naghihintay lang ako dito sa bahay. Nag-order lang ako ng pagkain para sa lunch dahil iyon ang utos ni Amiel sa akin, since wala naman akong alam sa pagluluto. "Pero... Hindi ba dapat kong aralin ang pagluluto?" Napatayo ako mula sa sofa. Magiging ina na ako, at nakakahiya naman siguro kung hindi ko man lang maipagluluto ang asawa ko at anak ko. Napahawak ako sa aking pisngi sabay kuha ng aking cellphone. Nagbukas ako ng social media platform kung saan may mga tutorial kung paano magluto. Naalala ko ang gusto ni Amiel na Menudo. Para sa aming dinner... I'll cook the best menudo to my husband. Napangiti ako at pinanood ang nasa video. Tuwang-tuwa naman ako na kumpleto ang rekados sa ref namin, lahat ata ng klase ng gulay narito na. Pati na rin ang iba't ibang k

