Ellise Nikyle's P. O. V. Kakatapos lang ng pictorial ko kahapon. It's monday at busy day na naman. Mabuti na lang at hindi na ako masyado namomroblema para sa debut ko dahil inaasikaso ito nila Mommy. Kasama ko si Amor sa labas ng school, kumakain kami sa mga ventors dito, meryenda namin dahil pagod kami buong araw sa dami ng ginawa. Naramdaman ko namang nag-vibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko ito. "Fries din ba sa 'yo at saka buko juice?" tanong ni Amor sa akin. Tumango ako habang busy ako sa pagtingin sa aking cellphone, nakatanggap ako ng email mula sa nag-picture sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang i-send nito sa akin ang tatlong klase ng invitation para sa birthday ko. "Ano 'yan?" tanong ni Amor. Ipinakita ko sa kaniya ang cellphone ko. Inabot niya ang buko juice habang

