CELINE POV "Celine, wake up. Nandito na tayo." Niyugyog ako ni Xena. Iminulat ko ang mata. Napakurap-kurap pa ako at inayos ang pagkakaupo. Si Xena ang kasama ko sa buong byahe papunta sa Resort kung saan gaganapin ang birthday party niya. "Nandito na tayo?" Tanong ko. "Yes kaya labas na tayo." Sagot ni Xena. Pagkalabas namin ng kotse sumalubong sa amin ang sikat ng araw at ang malamig na hangin. "Oh my god Xena this place is so beautiful." I gasped. She smirk. "I told you." She said. May lumapit sa aming staff ng hotel at kinuha nito ang mga maleta namin. Nagring ang phone ni Xena. Agad niya ito kinuha sa clutch bag na dala. Kinausap niya ang ina. Pagkatapos nilang mag-usap humarap siya sa akin. "Alam mo celine pumasok na tayo para makapagpahinga. What do you think? May gusto