CHAPTER 7

1873 Words
Araw ng sabado. Alas tres pa lang ng hapon ay pinapunta na ni Inay ang baklang si Nikki sa aming bahay upang lagyan ng kolorete ang aking mukha. Dapat raw na maganda ako sa prom mamaya. Sana nga lang at gumanda talaga, nag-alala ako na baka magmukha lang akong bading sa dami ng kolorete sa aking pagmumukha. Isa pa, hindi ako sanay na maglalagay ng lipstick, foundation, eyeshadow, maskara o kung ano pa. Pulbo lang ang nakasanayan ko at konting lipgloss ng Avon. Pagsapit ng alas kwatro y medya, dumating na si Omar sa amin at sinundo ako. Nagpaalam kami sa aking mga magulang at nangako si Omar na ihatid ako sa amin pagkatapos ng party. Pagsampa ko sa kanyang motorsiklo, nahirapan ako ng konti dahil sa aking suot na na gown. But still, nakarating naman kami sa paaralan na maayos at buhay pa. Bigla akong kinabahan habang nakapila sa likod ng malaking balloon arc para sa aming grand entrance. Huminga ako ng malalim at humugot ng lakas mula kay Omar. Sa tingin ko ay ninerbyos din ito nang bigla nitong pisilin ang aking kamay. Muli akong huminga ng malalim nang sa wakas ay kami na ang papasok sa decorated grounds ng aming paaralan. Actually, hindi ang event ang dahilan kung bakit nagpapanic ang aking puso, kundi ang lalaking aking ka-holding hands ngayon. Kagabi pa ay buo na aking pasya. Tonight would be a night to remember! Ibibigay ko na kay Omar ang aking matamis na oo. "Kinakabahan ka rin?" Tinanojg niya ako. Siguro ay napansin nitong hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan. Paano naman kasi, sobrang pogi ni Omar sa kanyang suot na tuxedo. "Medyo," sabi ko sa kanya. "Relaks ka lang. Ilang oras lang naman at matatapos na rin ito. Hmmm any plans for tonight?" Tinanong niya ako habang naglakad kami patungo sa aming table. At dahil "A Night to Remember" ang aming theme ngayong taon, lahat ng tables ay good for two lamang. May tatlong rosas na nakalagay sa isang vase ang nasa gitna ng round table. Like a true gentleman, Omar pulled the chair where I would sit. Grabe na 'to! Pagkaupo ng lahat, sumunod na ang invocation at pagkatapos ay ang patriotic song. The flow of the program was very spontaneous. Everything was perfect according to the schedule. But for me, it was more than perfect. May hihilingin pa ba ako kung ganitong katabi ko na ang aking soulmate? Isa pa, wala naman sa program ang aming atensyon ni Omar. Abala ako sa pakikinig ng mga corny niyang jokes, pati mga hugot na halata namang scripted pero tumatawa pa rin ako. Para akong sinaniban ng espiritu ng kilig. "What did you say?" Lumapit siya sa akin ng husto at sa mismong taynga ko nagtanong kung ano raw ang aking sinabi. Kung bakit kasi sa dance floor ko pa naisipang sabihin sa kanya na okay na akong maging boyfriend siya. "Ang sabi ko, payag na akong maging girlfriend mo!" nilakasan ko rin ang aking boses para siguradong maririnig na niya ako. Hindi ko alam kung narinig ba talaga niya o ano, pero bigla na lang niyang hinapit ang aking baywang at niyakap niya ako sa gitna ng karamihang nagsasayaw. Nang matapos ang tugtog, bumalik na kami sa aming table. Pero biglang may nagbago, naging tahimik ang lalaki at hindi ako kinausap. Ayaw ko sanang maging makulit, pero mas nanaig ang aking kuyosidad. "Ayaw mo na ba sa akin?" Tinanong ko siya. "Nonsense! Bakit mo naman naisip na ayaw ko na sayo?" "Bigla ka na lang kasing natahimik diyan at 'di ako kinibo," sabi ko sa kanya. Biglang tumayo si Omar at sinabi sa akin na aalis na kami. Nagprotesta ako kasi hindi pa tapos ang program at saka maaga pa. Trenta-minutos na lang at matatapos na ang program. Nakakahiya din kasing umalis kaagad. "Hintayin muna nating matapos ang program," sabi ko sa kanya. "Okay," sabi nito at sinenyasan ang isang waiter. Nang lumapit ito, kumuha ang lalaki ng isang baso ng fruit punch. Bawal kasi ang mga alcoholic beverages sa mga events na gaganapin sa school. "Nasubukan mo na bang uminom ng beer?" Tinanong niya ako nang makalayo na ang waiter. "Nope. Bawal pa sa akin 'yon. Don't tell me na umiinom ka na ng beer?" Kahit alam ko na ang sagot ay tinanong ko pa rin siya. "Yeah, kapag may okasyon, tulad nito. Isa pa, kapag ganito ang panahon na masyadong maaliwalas, mas masarap ang ice-cold beer." Paliwanag niya. "Talaga?" Gaya ngayon na medyo mainit kahit gabi na, gusto ko yatang subukan ang beer. Anong brand kaya ang mas masarap? Kaya lang ay pareho pa kaming menor de edad kaya hindi ko alam kung makakabili ba kami sa tindahan. "Ano, try natin mamaya?" Tinanong niya ako. "Sige," madali akong sumang-ayon sa kanya. "By the way, 'yong sinabi mo sa akin kanina, totoo ba talaga 'yon?" Tumingin ako sa malayo dahil nahiya akong sabihin muli ang aking ipinagtapat kanina. Ngayon ko lang napansin na malapit lang pala ang table nina Eugene....at Paula. "Yes. Pero parang ayaw mo na yata," biniro ko siya. "Ano'ng ayaw ko? Ang saya-saya ko nga, eh. Alam mo, kung tayong dalawa lang ang narito, baka hinalikan na kita," nagbanta siya. "Asus, nanaig na naman ang kamanyakan mo. Hoy lalaki, huwag mong kalimutan na mga bata pa tayo. Panay ang halik mo sa akin, mamaya ay madali kang magsawa nyan, eh." Nawala na ang awkward stage sa aming dalawa at balik na kami sa pagiging normal na nagbibiruan, no matter how green the jokes could be. "Promise, hindi talaga ako magsasawa sayo," nangako siya. "I know," sabi ko at tumawa ito ng malakas dahil sa ginawa kong pagbubuhat ng sariling bangko. Habang nagtawanan kaming dalawa, seryoso ang lahat sa pakikinig ng inspirational message mula sa aming school principal. Ito ang hinihintay naming hudyat na malapit nang matapos ang program. Sa wakas! Hindi nakalampas sa akin ang secret language ng mga kaklase kong lalaki. Just like last year, magpupuslit ang mga ito ng alcoholic beverages sa party mamaya. Pagkatapos kasi ng program, susunod na ang pinakahihintay ng lahat. Ang disco! "Anna, sabay na tayong uuwi mamaya." Nagulat ako nang bigla na lamang lumapit sa amin si Eugene at sinabi nitong gusto niyang sabay kaming uuwi mamaya. Gusto ko sana siyang barahin ngunit naunahan ako ni Omar. "Mawalang-galang na, Eugenio. Pero ako ang maghahatid kay Anana mamaya," sabi ni Omar kay Eugene. Nakita ko kung paano gumalaw ang panga ni Eugene nang tumanggi si Omar sa gusto nito. Basta ako, hindi ko alam kung paano mag-react. Naawa ako kay Eugene dahil alam kong napahiya ito. Kay Omar naman, nagdiriwang ang aking puso sa ginawa nitong pagsupalpal kay Eugene. "Sana ay tama ang desisyon mo ngayong gabi, Anna!" Hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita ni Eugene, at ganun rin yata si Omar dahil tumayo ito at sinundan ang lalaki. Naku, lagot. Kung bakit ba kasi lagi na lang akong nilalapitan ni Eugene nitong mga huling araw. Baka magsuntukan ang dalawang 'yon! Mabilis akong tumayo at hinabol si Omar. "Ayyy!" tumili ako nang dumapo sa mukha ni Omar ang isang kamo ni Eugene. "Ano ba?" sinita ko si Eugene habang nagpagitna ako sa kanilang dalawa. "Eugene, ano bang nangyari sayo? Ba't ka nagkaganyan?" "Ako pa ngayon ang may mali? Anna, gumising ka nga! Dapat nga ay magpasalamat ka sa akin, eh dahil pinoprotektahan lang kita mula sa mga taong katulad niya!" Giit ni Eugene. Nagpanting ang aking taynga sa narinig?"Taong katulad niya? Ano ang ibig mong sabihin?" "Walang-kwenta si Omar, Anna. Wala kang future sa kanya, kaya tigilan mo na ang kahibangan mo!"Pagpapatuloy pa ni Eugene. Pak! Isang malakas na sampal ang binigay ko kay Eugene. Ano'ng karapatan nito upang humusga ng isang tao? "Makinig ka Mr. Eugenio Tugot! Wala kang karapatan na husgahan siya. Diyos ka ba?" Natahimik ang lahat nang pangaralan ko si Eugene tungkol sa panghuhusga nito sa kapwa. Naturingan pa naman itong mabait sa klase at may takot sa Diyos. "Omar, let's go." Nauna na akong lumakad, palabas sa balloon arc, patungo sa exit ng paaralan. Wala nang saysay kung manatili pa kami sa loob dahil nasira na ang lahat, dahil kay Eugenio Tugot. Doon na lang ako sa gate naghintay kay Omar dahil kinuha pa nito ang nakaparadang motorsiklo. At parang tema ng aming JS Prom, it's a night to remember. "Saan mo gustong pumunta?" Tinanong ako ni Omar nang paandarin nito ang motorsiklo. "Kahit saan," sabi ko naman. "Sure?" "Yeah," sabi ko. "Okay," he replied. Malamig ang hangin na dumampi sa aking balat habang tumatakbo ang motorsiklo. Bukod sa sleeveless ang suot kong gown, plunging pa ang neckline nito. Hinigpitan ko na lang ang pagkayakap kay Omar upang masalinan ako ng konting-init mula sa kanyang katawan. Saka ko napansin na papunta pala kami sa kanilang bahay. Magtatanong pa sana ako kung bakit, pero dumating na kami sa harap ng kanilang gate. "May kukunin ka ba sa loob?" tanong ko sa kanya para hindi halata na nagdadalawang-isip ako na pumasok. "Oo, 'yong regalo ko para sayo," sabi niya. "Regalo? Para saan?" Tinanong ko siya kasi hindi ako naghanda ng regalo para sa kanya. "Kailangan bang may dahilan ang lahat ng regalo?" Gumanti siya ng tanong. "Hindi naman, kaya lang nakakahiya sayo, wala kasi akong regalo para sayo, eh." Sabi ko. "No need. Hindi naman tayo nag-exchange gift, eh. Malayo pa ang pasko," pagbibiro niya. Binuksan nito ang gate at pumasok na kaming dalawa. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Alam ko kasi na kaming dalawa lang ang nasa bahay. "Dito na lang ako sa labas maghintay," sabi ko sa kanya nang binuksan na nito ang maindoor. "Natatakot ka ba sa akin?"Tinanong niya ako. "Me? Hindi, ah. Gusto ko lang kasing magpahangin," nagsinungaling ako. "Asus. Kaya pala ang higpit ng yakap mo sa akin kanina kasi naiinitan ka," tinukso niya ako. "Sige na nga," finally I gave in. Pagpasok niya, sumunod na rin ako. Binuksan nito ang ilaw malapit sa may pintuan at nagliwanag ang buong kabahayan. "Maupo ka muna at kukunin ko lang ang regalo ko para sayo," nagpaalam siya sa akin. Pag-alis ni Omar, saka lang ako nakahinga ng maluwag. Pinapagalitan ko ang aking sarili dahil sa pag-iisip ng masama tungkol sa lalaki. Ako lang yata itong parang may gustong mangyari sa aming dalawa, diyos na mahabagin! Ilang saglit lang ay bumalik na ito, bitbit ang isang nakabalot na box. "Buksan mo," sabi niya sa akin. Maingat kong binuksan ang kanyang regalo dahil ayokong masira ang packaging nito. Ang ganda kasi ng pagkabalot. "Flare na pantalon?" Hindi ako makapaniwala nang makita ko kung ano ang laman ng box. Paano nitong nalaman na gustong-gusto kong magkaroon ng pantalon na flare, yong usong-uso sa school campus ngayon. "Subukan mo kung kasya sayo, pati na rin ang kapares na blouse," sabi niya. Yipeey! Finally, mayroon na akong ganitong pantalon. Gustong-gusto ko sanang isukat ang bagong damit kaya lang ay nag-alinlangan ako. "Sige na, isukat mo na. You can use my room to change," sabi pa niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD