CHAPTER 10

1270 Words
Matapos kong i-double lock ang pinto, nagtungo ako sa harap ng salamin at naghubad. Oh my God! Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Ako ba talaga ang babaeng nasa salamin? Puno ng chikinini ang aking dibdib hanggang sa may puson. Ano'ng klaseng tao si Omar at naging ganito ang hitsura ng aking katawan? Natatakot akong hubarin ang aking suot na underwear dahil baka may makita pa akong chikinini sa may singit. Nakakahiya talaga! At dahil hindi naman kutis-porselana ang aking balat, hindi namula ang aking pisngi sa kaiisip tungkol sa mga naganap kagabi. Teka, paano ko kaya tatanggalin ang mga chikinini sa aking balat? Kinuha ko ang aking 3210 na cellphone at dinayal ang numero ni Omar. Argh, nasaan kaya siya? Nakailang tawag na kasi ako pero hindi pa rin siya sumasagot. Nakakadismaya. Ibinalik ko ang aking cellphone sa bag at muling isinuot ang ang hinubad na damit. Pagkatapos ay bumaba na ako at nagtungo sa kusina. Nasa kusina din kasi ang lagayan namin ng mga sabon at shampoo na gagamitin tuwing maliligo sa tubigan nina Mang Siano. "Nay, saglit lang po ako sa tubigan," nagpaalam ako sa aking ina pero as usual, abala si Nanay sa paghahanda ng mga gulay na lulutuin nito para sa aming tanghalian. "Ayaw mo bang mag-almusal muna?" Tinanong niya ako. "Mamaya na lang ho," sabi ko. Hindi naman ako gutom. Sa aking sitwasyon, makakaramdam pa kaya ako ng gutom gayung nagtatalo ang aking isip at puso? Nakailang-hakbang na ako nang tinawag ako ni Nanay. "Napaano ka? Bakit ganyan ka maglakad?" Patay! Mabuti na lang at si inay lang ang nakapansin. Kanina kasi paggising ko,medyo mahapdi ang bahagi ng aking katawan na nasa gitna ng mga hita ko. "Ah kasi Nay, mataas po kasi ang takong nang sapatos ko kagabi kaya natapilok ako," nagsinungaling ako kasi hindi ko pa kayang aminin ang totoo. "O siya, akala ko kung napaano ka na. Lumakad ka na para makauwi ka kaagad," sabi niya. "Opo Nay," sumagot ako. Habang papunta ako sa tubigan, hindi ko napigilan ang aking sarili na maiyak dahil sa mga nangyari. Paano na ako ngayon? Kailangan ko talagang makausap si Omar as soon as possible. Nagi-guilty ako sa aking mga magulang. At natatakot rin sa posibilidad na baka mabuntis ako. Sana'y hindi naman. Isang beses lang naman namin ginawa 'yon. Pagdating ko sa tubigan, nakahinga ako ng maluwag dahil walang katao-tao. Kadalasan kasi sa amin kapag linggo ay maagang maliligo ang mga tao dahil magsisimba. Binuksan ko ang lagayan namin ng tubig at mabilis na binasa ang aking buhok. Ayokong may makakita sa akin na naliligo ngayon, mahirap na. Malapit na akong matapos nang biglang may paparating. Pagtingin ko kung sino, nanlaki ang aking mata. "Ano'ng ginagawa mo rito?" "Miss na kasi kita," sabi nito habang nakatitig sa akin. Pakiramdam ko, hinuhubaran niya ako gamit ang kanyang mga mata. Ay oo nga pala, wala akong suot na bra. Madali kong itinakip ang aking dalawang braso sa aking dibdib. Tumawa lang ang lalaki sa aking ginawa. "Sus, huwag mo nang takpan, tutal nakita ko na ang lahat-lahat sayo," sabi niya na parang nagmalaki pa. "Omar!" Sinaway ko siya kasi nabahala ako sa kanyang sinabi, paano kung may makarinig sa amin,di ba? "It's okay, tayong dalawa lang naman ang narito, eh. So, araw-araw dito ka talaga maliligo?" Iniba nito ang usapan habang naghahanap ng mauupuan. "Yup. May banyo naman kami sa bahay pero walang tubig. So kung doon ako maliligo, kailangan ko pang bitbitin itong balde ng tubig. Sayang sa oras at effort," sabi ko. Mga ilang metro din kasi ang distansya ng tubigan mula sa aming bahay. "Hindi ba kapitbahay mo si Eugenio Tugot? Nagkasabay na ba kayong maligo dito?" Nag-usisa ang lalaki. Bumunghalit ako ng tawa sa kanyang itinanong. Ewan ko ba, pero natatawa ako kay Omar tuwing binabanggit ang buong pangalan ni Eugene. "Yup, bakit?" "Eh di nakita rin niya 'yan?" "Ang ano?" Hindi ito sumagot at itinuro lang ang aking dibdib. "Well, siguro, hindi ko alam kung nakatingin ba siya sa akin. Pero doon lang naman ang pwesto nina Eugene," itinuro ko ang mga tambakan ng tubig sa bandang unahan at medyo malayo 'yon sa pwesto namin. "Hmm okay, pero mas maigi siguro kong doon ka na lang sa inyo maligo? Paano kung may manyak na biglang dumating at salakayin ka?" "Grabe ka naman, manyak kaagad? Eh ilang taon na namin itong ginagawa, nakasanayan na namin. So far wala pa namang m******s ang pumunta dito at harap-harapan na nanood habang naliligo ako o kami ng mga friends ko....maliban sayo." "Oy, hindi naman ako m******s," nakangiting sabi niya sa akin. "Ah, kaya pala andaming chikinini sa katawan ko," sabi ko at natigilan si Omar sa sinabi ko sa kanya. "Anna, pasensya ka na, hindi ko kasi napigilan ang sarili ko kagabi. Hanggang ngayon, nanggigigil pa rin ako sayo, eh." "Hmmm, paano kung magbunga ang ginawa natin kagabi?" Muling nanumbalik ang aking takot na baka magbunga ang p********k namin kagabi. Ang tanga ko kasi dahil pumayag kaagad ako sa mga gusto niya. "Actually, kaya ako naparito ay para kausapin ka tungkol sa nangyari sa atin." Seryoso masyado ang lalaki nang magsalita kaya kinabahan ako ng konti. Paano kung sasabihin nitong pinaglaruan lang pala niya ako? Na masyado akong naive at madaling nahulog sa kanyang patibong? "Pananagutan kita, Anna," nangako siya. Saka lang ako nakahinga ng maluwag. Pero kailangan ba talagang puntahan niya ako sa amin upang sabihin na hindi niya ako iiwan sa ere? Pwede namang bukas na lang kasi magkikita naman kami sa school. "Salamat. Ang totoo niyan, natatakot akong baka iwanan mo lang ako dahil nakuha mo na ang aking pagkababae." "Hindi mangyayari 'yon Anna. Mahal na mahal kita. Bukod sa na-miss kita kaagad pagkagising ko, gusto ko sanang kausapin ang mga magulang mo." Naku, patay. Nabitawan ko ang hawak na tabo dahil sa pagkagulat. "Ngayon na? Sigurado ka ba?" Tinanong ko siya. "Syempre naman. Gusto kong malaman nila na seryoso ako sayo," sabi ng lalaki. "Ah...pwede. Kaya lang pwede bang after graduation na lang natin sabihin sa kanila ang tungkol sa atin? Baka ma-shock si Tatay, alam mo na." Ipinaliwanag ko kay Omar ang mga posibleng maganap kapag kakausapin nito ngayon si Itay. "Ikaw ang masusunod. Kung gusto mo na after graduation na lang natin sabihin sa kanila, walang problema sa akin. Ang inaalala ko lang ay ikaw," madamdamin niyang pahayag na nagpataba sa aking puso. Naks naman. Napailing-iling ako sa mga sinabi ni Omar. Grabe, parang bibigay na naman ang aking tuhod sa kanyang mga salita. "Basta, pagkatapos ng graduation na lang ha." Nang tumango ang lalaki, para akong nabunutan ng tinik. Paano kasi, kailangan ko pang humanap ng magandang tiempo bago kakausapin ang aking mga magulang. Definitely, not today. "Hindi ka ba tapos?" Muling nagtanong ang lalaki. "Tapos na, kailangan ko lang punuin ulit ng tubig itong tub. Sandali lang 'to," sabi ko sa kanya. "Sige, tutulungan na kita." Tumayo si Omar at kinuha ang baldeng hawak ko. Inilagay niya ito sa tubong nagsisilbi bilang gripo ng puso. "Grabe, ang hirap naman nito," nagreklamo ang lalaki. "Ganun talaga dito sa baryo namin," sabi ko at dahil naka-sleeveless lang ang lalaki, kitang-kita ko kung paano gumagalaw ang kanyang mga muscles sa braso tuwing inaangat-baba nito ang poso ng tubig. "Wow, hanep!" Napalingon kaming dalawa nang biglang may nagsalita sa aming likod. "O Eugenio ikaw pala, kumusta?" si Omar ang unang nakapagsalita sa aming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD