CHAPTER 5

1486 Words
Pag-uwi ko sa amin, dumiretso ako sa aking silid at nagpalit kaagad ng damit pangbahay. Nakatuka sa akin ang magpakain sa aming mga alagang manok. Kailangan ko ring ihanda ang mga panggatong namin sa umaga. Kapag matapos ko na ang aking mga gawain, p'wede na akong pumunta sa tubigan at makipagkwentuhan sa mga kapitbahay na naroon habang nag-iigib ng tubig. Basta pagsapit nang alas-syete ng gabi, dapat nasa bahay na ako dahil sabay-sabay na kaming maghapunan. Dumiretso na ako sa manukan at hindi ko inistorbo si inay na abala sa paghahanda ng aming hapunan. Nasaan na kaya si Tatay? Kanina ko pa siya hindi napansin, eh. Pinuntahan ko ang manukan at binigyan ko sila ng makakain, pagkatapos ay nagtungo ako sa lagayan ng aming mga panggatong malapit lang sa kusina. Napansin kong may mga panggatong doon kaya dumiretso na ako sa tubigan. Bitbit ang isang balde, mabilis ang aking mga hakbang patungo sa pupuntahan. Pagdating ko sa may tubigan, nakita ko si Eugene. Nag-iigib din. Noon, tuwing nagpang-abot kami sa tubigan, feeling ko ay itinadhana talaga kami. Ewwww! Nilampasan ko lang siya at hindi pinansin, narinig kong tinanong ito ng kanyang mga kaibigan kung bakit dineadma ko daw samantalang dati ay sobrang close naming dalawa. Inakala pa nila na nag-LQ daw kami ni Eugene. Lumapit ako sa grupo nina Erma at sumali sa kanilang laro na truth or dare habang hinihintay ang aming turno sa pag-iigib. Bawat ikot ng bote, hiniling ko na hindi ako ang maging taya. After a few rounds, luck didn't favor me anymore. Kinabahan ako lalo na at may mga bagay na akong itinago mula sa mga kaibigan. "Truth or Dare!" sabay-sabay nilang tanong sa akin. Naisip ko na kung mag-dare ako baka kung ano pa ang ipagawa nila sa akin, paano kung utusan nila akong lapitan si Eugene at mag-hi, eh di naloko na. "Truth," sabi ko. "Heto na ang unang katanungan," pansamantalang nag-iisip si Erma bago nagsalitang muli. "Hmmm, bawal magsinungaling. Kasi ang sinungaling ay mapupunta sa impyerno! Alright, heto na talaga. May crush ka ba sa school ninyo?" "Yup, syempre naman. May mga highschool students bang walang crush sa school?" lusot na ako sa unang katanungan, dalawa na lang ang natira. Nakasanayan na kasi namin na imbes na isa lang ang tanong ay gawing tatlo kasi bawat katanungan ay may mga follow-up questions naman talaga. "Rose, ikaw naman ang magtatanong sa kanya." Mungkahi ni Erma sa pinsan nitong si Roselyn. Medyo mahina kasi ang babae pagdating sa pag-iisip kaya tumingala pa ito sa langit bago nakabuo ng isang tanong. "Anna, sino ang first kiss mo?" Ha? Hindi ako nakahuma sa itinanong niya sa akin. Sino pa ba ang first kiss ko kundi sina inay at itay? "Hindi pwede na magulang ang isasagot, bawal." Paalala ni Rose sa akin. Kung sabihin ko na lang kaya na hindi ko pa naranasan ang makipaghalikan? "Oy, tingnan mo si Anna, o. Parang nahihirapang sumagot. Pinsan, alam mo ba ang ibig sabihin 'nun?" tinanong ni Rose si Erma at agad naman itong sumagot. "Ibig sabihin, nahalikan na nga siya. Hmm sino naman kaya? Anna, sagutin mo na ang tanong kasi may isa pa kaming katanungan at baka maubusan pa tayo ng oras." "Isang kaklase," maikli lang ang naging sagot ko. "Oy, parang alam ko na kung sino 'yan. Si Eugene ano?" giit ni Erma habang nakatingin sa direksyon ni Eugenio Tugot. Napangiwi ako nang sinundan ko ang kanyang mga mata. "Hindi, ah. Nunca na magpahalik ako kay Eugenio!" Mariin akong tumanggi na si Eugene ang aking first kiss kasi hindi naman talaga. "LQ kayo?" Puna ni Erma. "Girls, di ba tatlong tanong lang? Next round na tayo," paalala ko sa kanila. "Ang daya mo talaga, Anna. Sabihin mo na sa amin," nakiusap si Rose na halatang nabitin sa sagot ko. Tinawanan ko lang sila. "Next time na lang kapag mapunta naman sa akin 'yong bote, okay?" Ginawa ko lahat ng pangdi-distract upang hindi na nila ako kulitin tungkol sa aking first kiss. Biglang pumasok sa aking isipan si Omar. Ano na kaya ang ginagawa ng lalaking 'yon? Matapos kong punuin ng tubig ang lahat ng imbakan namin , pinagpawisan ako ng husto. Sino ba naman ang hindi pagpapawisan sa dami ng tub na imbakan? Mga limang tub din ang pinuno ko ng tubig at dahil may kabigatan ang poso ng tubig nina Manong Siano, nangangalay ang aking mga braso. Nagpaalam ako kina Erma at Rose na uuwi na dahil nagugutom na ako. Bitbit ang balde na may lamang tubig, pasipol-sipol akong umuwi sa bahay. "Nay, 'andito na po ako." Mga ilang metro pa ang aking layo mula sa aming bahay ay tinawag ko na si Inay at ipinaalam sa kanya na dumating na ako. Sa ganung paraan, automatic na itong maghahanda ng hapunan sa mesa. Balak kong matulog ng maaga dahil may klase pa ako kinabukasan. Dumiretso ako sa aming maliit na kusina kung saan naroon ang aming hapag-kainan. Pagbungad ko sa kusina, may mga pagkain na sa mesa. "Nay, may birthday po ba?"tinanong ko siya nang mapansin ko ang tinolang manok sa mesa. Usually, maghahanda lang kami ng manok kapag may okasyon tulad ng kaarawan o di kaya ay graduation. Eh sa susunod na buwan pa ang pagtatapos namin kaya nagtaka ako kung may okasyon ba na hindi ko alam. "Mabuti at dumating ka na, Anna. May bisita tayo," sabi ni inay. Kumunot ang aking noo kasi bihira lang na mayroon kaming bisita. "Ha? Sino?" Nagtanong ako. "Kaklase mo raw eh, taga Poblacion. Naku, ang bait ng batang 'yon. Biruin mo, hinanap talaga niya ang bahay natin upang ihatid ang mga naiwan mong libro." Sabi ng ina ko na hindi tumigil sa pagpuri ng mabait kong kaklase. Muling kumunot ang aking noo. Ano'ng libro ang pinagsasabi ni Nanay? Eh, sigurado naman akong nasa bag lahat ang aking books. "Sino daw ho siya, Nay?" "Hindi ko matandaan basta may 'mar' sa pangalan niya." Si Omar? Bakit siya narito? "Mabuti ay tawagin mo na sila," utos niya sa akin. "Opo," sabi ko. Nagpunta ako sa likodbahay kung saan naroon ang mga mga alagang hayop tulad ng manok, baboy ay baka. "Tay, kakain na raw po," sabi ko sa aking ama ngunit ang aking mga mata ay nakatingin kay Omar. "Omar, halika na. Maghapunan muna tayo," sabi ng Tatay kay Omar ngunit tumanggi ang lalaki. Gagabihin na raw ito masyado sa daan. "Naku, hindi pwede. Nakahanda na ang mga pagkain, sayang naman. Bweno, mauna na ako sa inyo. Anna, ikaw na ang bahala sa kaklase mo." "Yes, Tay." Tahimik akong nagbilang hanggang sampo. Hinintay ko munang makalayo ng konti ang aking ama saka ko kinausap si Omar. "Ano'ng ginagawa mo dito?" "Wala. Gusto lang kitang makita. Ayaw mo kasing magpahatid sa akin, eh." Nagpaliwanag ang lalaki pero hindi ko nagustuhan ang kanyang sagot. "Gusto mo bang malintikan ako ni Tatay?" Tinanong ko siya. "Bakit naman? Hinatid ko lang naman dito sa inyo ang mga naiwan mong libro sa school natin," patay-malisya nitong sabi sa akin. Eh, alam naman namin pareho na wala akong libro na naiwan sa klasrom dahil bawal 'yon. "O sige, sabi mo eh. Nasaan na ang mga libro?" "Nandun na sa silid mo, inilagay ko doon." "Pumasok ka sa silid ko?" Hindi ako makapaniwala na nagawa niyang pumasok sa aking silid. "Sabi ng nanay mo okay lang daw pumasok kasi wala namang mawawala sa loob," nagpalusot si Omar. "Kahit na! Dapat hindi ka pa rin pumasok!" Sinigawan ko siya. "I'm sorry, Anna. Na-curious lang kasi ako. Galit ka pa ba sa akin?" I rolled out my eyes at him. Magagalit pa ba ako kung ganitong nagpapa-cute siya sa akin? Hello, bahala na kung tatawagin nila akong easy girl. Kaysa naman pipigilan ko pa ang aking sarili na kiligin ng husto kay Omar. "Okay na ako. Tara na, kain na tayo." "Ang swerte mo sa magulang mo, Anna. Napakabait nila at mahal na mahal ka," sabi niya. "Lahat naman tayo maswerte sa mga magulang natin, eh. Ikaw nga, buhay prinsipe ka sa inyo," sabi ko sa kanya. Sa laki ng kanilang bahay, nasisiguro kong mahigit lima ang kanilang mga katulong sa bahay upang mapanatili itong maayos. "Hindi ba nakakahiyang makikain ako sa inyo ng hapunan?" Huminto ako sa aking paglalakad at hinarap siya. "Ngayon ka pa ba mahihiya?" Ipinaalala ko sa kanya kung paano siya nakarating sa amin at kung paano siya nagsinungaling sa aking mga magulang tungkol sa librong hindi naman akin. Tapos ngayon ay sasabihin niya sa akin na mahihiya siya? Sino ba ang niloloko nito? "Ikaw talaga," sabi niya at kinurot ako sa aking tagiliran. Ayoko sa mga taong bigla na lang mangungurot sa tagiliran, pero hindi ako umalma sa ginawa ni Omar. Bagkus, gumanti pa ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD