Pagdating namin sa manukan ni Omar, sinalubong kami ng isang may-edad na babae at ng asawa nito. Binati ni Omar ang dalawang matanda at binati ko na rin sila. Sinabi ng babae na hindi pa raw luto ang ulam namin kaya dinala ako ni Omar sa isang bamboo house. “Ang ganda naman nito,” namangha ako disenyo ng kanyang bahay. Native na native ang dating. Kung namangha ako design ng bamboo house, mas namangha ako sa interior. Modern ang lahat ng kagamitan sa loob at masyadong talisa sa image na makikita sa labas ng bahay. “Nagustuhan mo?” Nagtanong ang lalaki at tumango ako. “Sobra pa. Kaya lang, bakit dito mo naisipang bumili ng lupain para sa mga manok mo?” Tinanong ko siya. “Hmmm memorable kasi sa akin ang lugar na ‘to,” sumago