Hindi ko alam kung anong oras ‘yon pero nadisturbo ang aking tulog nang may kumatok sa labas. Basta ang sigurado, malayo pa ang umaga. Ginising ko si Samer dahil baka ang kanyang mga anak ang nasa labas. “Sam, may tao sa labas. Tingnan mo, baka si Ameerah.” Siya ang inutusan kong magbukas ng pinto kasi sobrang antok pa ako. Halos hindi ko na nga maibuka ang aking dalawang mata. Si Sam kasi eh, inubos ang aking enerhiya kanina. Napabalikwas ng bangon si Samer nang marinig ang pangalan ng kanyang anak. Kung kanina ay halos hindi ko kayang ibuka ang aking mga mata dahil sa sobrang anak, bigla na lang akong napadilat nang marinig ang pangalan ni Sarah. Sa isang iglap, nawala kaagad ang aking antok at gising na ulit ang aking diwa. Bumangon ak