Matulin na lumipas ang mga araw hanggang sa dumating na ang araw ng aking pagtatapos sa highschool. Dahil nakasanayan na namin na tuwing may okasyon katulad ng graduation, isang manok na naman ang nahatolang mamatay. Eksaktong alas-dose ay kumain na kami para makaalis na kaagad ng bahay. Alas-dos y medya ng hapon ang baccalaureate mass at kailangang naroon na kami sa simbahan bago mag-alas dos. Pagkatapos naming kumain, nagsipagbihis na kaming mag-anak. Panay ang reklamo ni Itay sa suot nitong polo at barong dahil para daw siyang ibuburol ng buhay. Hindi rin nakaligtas ang inay sa mga mapanuri nitong mata. Bahagyang na-conscious si Inay nang sinabihan ito ng Itay na hindi bagay ang isinuot nitong bestida. Hinayaan ko na lang silang dalawa sa kanilang mumunting pagtutunggali dahil norma