Habang pinag-isipan kong mabuti ang aming sitwasyon, lumabas na si Sarah ang pangunahing problema. Oo at nasa hotel rin si Omar ngunit alam ko naman na hindi ito gagawa ng gulo. Binalikan ko ang araw na nagkausap kami ni Sam tungkol sa living arrangement pero antagal na pala noon. Matagal na pero hindi ko pa rin makalimutan kung paano niya kinampihan ang bruhildang si Sarah. ********* “Dapat bawal na siyang matulog rito. Ang awkward kasi na nasa kabilang silid lang siya habang magkatabi tayo rito,” sabi ko at tinawanan lang ako ng mokong. Heto ako at lubos na nalungkot dahil sa nangyari ngunit pinagtawanan lang niya ako. “Natatakot ka bang makakarinig siya sa atin? Ang ingay mo sa kasi, eh.” Sabi ng lalaki. “Hoy! Hindi naman ‘yon ang gusto kong sabihi