I think I already found her! Kanina pa ako nakauwi sa bahay ngunit paulit-ulit kong naririnig ang sinabi ni Samer kanina na may nakita na itong bagong pag-ibig. Hindi ako tsismosa o pakialamera pero hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit labis ang aking kagustuhan na malaman kung sino ang babaeng napupusuan ng lalaki. Siguro, para na rin sa kapakanan ng mga bata kung bakit importante sa akin na makilala ang magiging stepmother nina Ameera. Matapos kong mag-half bath, sumampa na ako sa aking kama upang matulog. Maaga pa kasi akong papasok bukas dahil sa susunod na araw ay magsisimula na ang aking vacation leave. Sa sabado pa ang alis namin ng mga bata pero kailangan ko pa kasing mamili ng mga gamit na dadalhin sa trip namin tulad ng ilang pares ng rashguards. Sus, kung kaya ko