Malapit na ako sa panahon kung kailan nakabalik na si Samer sa Pilipinas at nagkamabutihan kami ngunit bakit bumalik na naman ang aking memorya sa panahon na na naging magkaibigan kami ni Omar. Ilang beses ko ng tinanong ang aking sarili kung ano ang meron sa past at hindi ako makawala dito. Kung closure lang ang kulang, I’m sure na meron na kami ni Omar noon. O baka naman, kami talaga ni Omar ang magkatuluyan at hindi si Samer ang para sa akin? ***** As usual, hindi ako sinagot ni Eugene. Ikinibit lang ang balikat nito at mas lalong binilisan ang paglalakad. Nagkukumahog akong habulin siya. "Ang bilis mo namang maglakad, may humahabol ba sayo?" "Meron. Ikaw." Sagot ni Eugene. "Grabe ka naman. Para sumabay lang sayo, magagalit ka na kaagad." Hindi ko i