“Thirty days, Sam.” Sabi ko at kumunot ang kanyang noo. Normal lang na hindi niya maintindihan ang gusto kong sabihin kasi hindi ko rin naman ipinaliwanag ng maayos eh. “Kahit ano pa ang ipapagawa mo sa aking sa loob ng tatlumpong araw ay handa akong gawin lahat ‘yon,” nangako si Samer. “Sumunod ka sa akin,” sabi ko sa kanya at dinala ko siya sa aking home office. Kung ang aking opisina sa loob ng Darwish ay mayroon larawan ng lalaki, larawan ko naman ang isinabit ko sa dingding. Pagbukas ko pa lang ng pintuan, natigilan na kaagad si Samer. Para itong nakakita ng multo nang mapansin nito ang larawan na nakasabit sa dingding. Nang sinundan ko ang kanyang mata, titig na titig pa rin ito sa naturang larawan. “Kung alam ko lang na g