"PINALABAS ko lang ang wolf ko Alpha, nakakaligalig kasi." Sagot ni Josh kay Dwight. Ang atensyon nilang lahat ay nasa kanilang dalawa. Tumango naman ang mate ni Selene ngunit sa tingin ng babae ay hindi siya naniniwala dito. Si Selene man ay nagtataka kay Josh kapag may problema o trahedya dito sa Pack ay nawawala ito. Ayaw niyang maghinala ngunit ’yon ang sinasabi nang bawat kilos nito mula noong nakilala niya ang lalako. Nag-iba ang kilos ni Josh na para bang ayaw nito na nandit silang mga aeons. Sandaling namayani ang katahimikan naramdaman din siguro ng iba ang tensyong namamagitan kay Josh at Dwight. Naputol lamang ito dahil sa malakas na paghikab ni Darren. "Mom, can we sleep now? I am tiyed." He said while yawning, he put his head on his mother’s chest. Napagod yata ang bata sa

