MASAYA si Selene habang bumababa sa kusina ng Pack House. Napapakanta din ito kahit gabi-gabi na siyang nananiginip ng masama. Maganda naman ang gising niya kahit papano. Hindi niya ipinapakita sa traydor na naapektuhan siya sa sumpa nila. Hindi nakakalimutan din ni Alpha Dwight na magpaalam kapag may pupuntahan itong Alpha Business kapag mahimbing naman ang tulog ng Luna ay mag-iiwan ito ng note atsaka white tulips sa unan nito. Ika-nga ng Alpha ay pampabawi daw kapag hindi ito nagigising katabi niya. Kailangan nitong kausapin ang mga Alpha ng ibang Pack para sa nalalapit na digmaan. They need a solid but genuine plan for this. Nang makapasok sa loob ng kusina si Selene ay agad siyang naghanada ng panrekados para sa pancake na agad din naman nitong niluto. Nagprito din ng bacon, hotdo

