Freyah's P.O.V. Nakaharap ako sa malaking salamin habang suot-suot ko ang pinaka magandang gown na sinadyang pinatahi sa sikat na designer sa Amerika. Pang-Apat na beses ko na itong ikasal sa lalaking Mahal ko. pero ito ang pinaka magandang Kasal ko. Dahil bukod sa Simbahan ako ikakasal. Ngayon lang din ako maglalakad sa Altar na sobra-sobrang pagmamahal ko kay Dice. Natatandaan ko pa noong una akong kinasal sa Simbahan. Napilitan lang ako dahil sa takot. Pero ngayon.. maglalakad ako sa aisle dahil Mahal ko ang Groom ko. Dahil nagmamahalan kaming dalawa. "Freyah, halika na late na tayo ng five minutes. Siguradong galit na galit na ang Groom mo." Ani Eloisa ang Maid of Honor ko. Tumango ako. "Sige." Sabi ko. Saglit akong pinagmasdan ni Eloisa. "Ikaw na talaga Freyah. Sobrang ganda mo sa