[Freyah's P.O.V.] WALANG TIGIL ang pagpatak ng luha ko habang pinapanood ko ang teledramang paborito ko sa hapon. Hindi ko na alam kung ano ang sipon at luha dahil sa kanina pa ako umiiyak. Paano ba naman kasi namatay ang pinakamamahal na aso ng bidang babae. Kung bakit naman kasi tumawid sa kalsada ang aso na walang kasama. Or sana man lang hinintay niyang magred light bago siya tumawid. “Hu-hu-hu! It’s hurt you, Miming naman kasi bakit ka nagpa-sagasa, mahal ka naman ng mga tropa mong aso rin.” Sabi ko habang nakatutok ang mga mata ko sa Tv. Lumapit sa’kin ang anak kong si Daren. “What’s wrong, Mommy?” takang tanong niya sa’kin. Nakita kasi niya akong umiiyak. “Anak, nalulungkot ako si Miming patay!” humagulgol ako ng iyak. “Wag kang umiyak Mommy, bibili na lang tayo ng bagong pusa.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books