Freyah's P.O.V. Humalik sa pisngi si Dice sakin. "Honey, mag iingat kayo dito ni Daren. Dadalawin lang namin nila Daddy si Mommy sa Puntod niya. Pagkatapos aalis na din agad tayo pabalik ng Amerika." Ani Dice sakin. "Sige Honey, Oo nga pala Pupunta muna namin ni Daren ang Asawa ni Kuya Hendry. May pinabibigay kasi si Kuya sa asawa niya at Anak. Nakalimutan kong ibigay nung dumating tay dito sa pilipinas." Niyakap niya ako sa bewang habang nakaharap ako sa kanya at nakatingin siya sakin. "Sige, mag pahatid kayo sa Driver natin. Tapos tawagan mo ako kung uuwi na kayo para kapag maaga akong makauwi. Ako ang susundo sa inyo ni Daren." Tumango ako sa kanya. "Oo Hon," "So.. wala ba akong isang kiss dyan bago ako umalis?" Tanong niya sakin. Ngumiti ako tapos mabilis ko siyang hinalikan sa l