Daisuke's P.O.V. Nakatanaw ako sa kawalan habang nasa loob ako ng bahay namin. Kakauwi ko lang mula sa hospital. Sabi ni Dad, kailangan kong magpahinga para makabawi ako ng puyat. Ngunit Isang oras na ang nakakalipas. hindi parin ako makatulog. paano ba ako makakatulog kung hanggang ngayon hindi pa nagigising si Freyah. sabi ng Doktor kapag hindi pa siya nagising ngayon. Kailangan na siyang lagyan ng Life support. Paano ko tatanggapin yon. Si Daren Nagising na siya kahapon. At nadurog ang puso ng tanungin niya sakin ang Mommy niya. Wala kasi akong maapuhap na sagot. Ilang saglit pa biglang tumunog ang Cellphone ko. Bigla akong kinabahan ng mabasa ko ang pangalan ni Dad na tumatawag sakin siya kasi at si Kuya Hendry ang nagbabantay sa Hospital ngayon. "Hello Dad!" "Dice, pumunta ka dit