Freyah's P.O.V Nakangiti ako habang pinagmamasdan ko ang anak kong si Daren. Habang patakbo-tabo siya sa malawak na Hacienda ng Mga Britain. Araw kasi ng Linggo ngayon kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataong makasama sa Batangas. Si Ara, si Daddy, at si Daren at ako, ang magkakasama. Sinadya ni Daddy na may Out of town Shooting si Daisuke para sa bago nitong pelikula. Kaya naman ngayon hindi na kailangan pang itago si Daren kay Dice. Dahil wala siya. "Mommy! Pwede ba akong sumakay sa Horse?" Tanong sakin ni Daren. Nakasakay kasi ang Lolo niya sa kabayo. Hinawakan ko ang mukha niya. Tapos ngumiti ako. " Kung papayag ang Lolo mo." Lumingo naman si Daren sa lolo niya. "Lolo please!!!" "Makakatanggi ba ang Lolo." "Yaheeyy! Thank you Lolo." Pagkatapos kinarga ko siya upang makasakay siy