Freyah's P.O.V Napailing ako habang tinatanaw ko ang Anak kong si Daren na nakaabang sa labas ng gate. Birthday nya ngayon. habang masayang-masaya ang mga bisita niya. Ang Birthday Celebrant nakaabang sa harap ng pintuan. Kaya naman lumapit ako sa kanya. "Anak.. anong ginagawa mo dito?" "Hinihintay ko po si Daddy. Sabi kasi niya pupunta siya sa Birthday ko." "Anak.. Hayaan mo na ang Daddy mo. Busy siguro yon sa Work niya. Diba? Artista ang Daddy mo? Hinihintay ka ng mga bisita mo." "Mommy. lagi ko naman silang nakakasama tuwing Birthday ko. Pero ang Daddy ko ngayon lang. kaya gusto ko siyang hintayin dito." Huminga ako ng malalim. Hindi dapat nangako si Daisuke sa anak niya na pupunta siya. Umaasa tuloy si Daren. Pilit akong ngumiti. "Sige Anak, pero kapag gabi na at wala pa siya. Aa