Freyah's P.O.V "Freyah, Ano pa bang tinatanga mo dyan! Pumasok ka na sa loob ng bahay." Ani Dice. Kasama kasi niya akong umuwi sa Bahay niya. Sa bahay kung saan ako dati nakatira. Habang pinagmamasdan ko ang buong paligid. bumabalik sa akin ang mga nakaraan na masaya pa kami ni Daisuke, wala parin pinagbago sa mansyon. "Oo na,"sabi ko sa kanya. Agad akong sumunod sa kanya papasok sa loob ng bahay. Pagkatapos dinala niya ko sa kusina. Nagulat naman ang mga katulong namin ng makita nila ako. "Ikaw ang mag-isang magluluto ng mga putaheng sinabi ko sayo." Ani Dice, Tumango ako. "Ano bang Meron? Bakit kailangan kong magluto ng mga pagkain?"tanong ko sa kanya. "Wala ka ng pakialam don! Magluto ka na lang dyan. Alas onse ng tanghali dapat tapos na yang lutuin. Maliwanag!" Pasigaw niyang s