CHAPTER 24:

1739 Words

FALKOR (Bago maganap ang ekspedisyon nina Haring Cosmos at Haring Menuk patungong Lithele) Hindi pa rin ma-proseso ng aking isipan na nagawa akong traydurin ng sarili kong asawa't anak. Hindi ko mawari na mas pinili nilang iwaksi ang mahabang panahon na nagsama kami sa loob ng iisang palasyo para lamang sa kanilang personal na kagustuhan. "Nakahanda na po ang karwahe sa labas, Kamahalan," ulat ni Akda. Naputol ang aking pagmumuni-muni at tumango sa kanya. Isinukbit niya sa aking likod ang balabal na gawa sa balat ng hayop dahil malamig na sa labas. Malalim na ang gabi at talagang hinintay namin na makatulog ang lahat bago umalis. Dahan-dahan akong lumabas sa aking silid, nangunguna si Akda sa akin para magbigay ng babala kung walang tao sa aming daraanan. Maingat ang bawat kong galaw.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD