FERNANDO Pagkatapos ng ilang oras na pagluluksa para sa namayapang pinuno ng lahing Elven, kaibigan, masugid na tagasunod ni Mavena, nagningas ang katawan nito sa apoy at humalo sa hangin ang labi nito. "Baltasar, nakikiramay ako sa iyo ngunit alam kong alam mo na kung bakit kami naririto. Bilang bagong pinuno, nais ko mang palampasin ang usapin na ito sandali ngunit kami'y nagmamadali rin," panimula ko. Tumango lang ang Anak ni Onas. Habang naririto kami sa kanilang bahay, kinuha ko sa aking maliit na lalagyan ang papel na ipinadala sa akin ni Haring Falkor. Isa iyong kasunduan na naglalayon na magkaisang muli ang lahi ng Elven at Acraemorian. Isinikerto niya ang ito sa kanyang asawa dahil alam niyang mangingialam ito. Ang tanging alam lang ni Reyna Ripley ay makikipagdigma kami sa Li