NANG gabi ring iyon ay nagkaayos sina Sky Jewel at Mommy Crisanta. Na-realize nito ang pagkakamali at naniwala na totoong mahal niya ito. Nakumbinse naman niya si Reese na patawarin nito at bigyan ng second chance ang kaniyang ina-inahan. Hindi pumayag ang kaniyang asawa na hindi siya madala sa ospital dahil sa mga sugat at pasa na tinamo niya mula sa paglalabanan nila ni Mommy Crisanta. Kahit ito man ay sinama rin ni Reese sa ospital na pinagdalhan sa kaniya. At balak nila na sa oras na makalabas siya ng ospital ay dadalhin naman nila sa espesyalista ang kanilang mga anak para masuri at baka nagkaroon ng trauma dahil sa mga nangyari. Sa ngayon ay iniwan muna nila ito sa pangangalaga nina Uncle Kellan at Auntie Jasmin. Saka na raw sila haharap sa buong pamilya ni Reese kapag naayos na an