ISANG umaga, habang masayang kumakain ng almusal ang pamilya ni Reese, nagtaka siya nang masilip niya mula sa bintana ang isang bulto ng katawan ng lalaki na nakatayo sa labas ng kanilang gate. At nakita rin pala iyon ng kaniyang asawa. “Sweetheart, parang may tao yata sa labas ng gate,” untag sa kaniya ni Sky Jewel. Katulad niya ay nakasilip din ito sa pinakamalapit na bintana. “Oo nga, eh.” Kumuha siya ng tissue at saka nagpunas ng mga labi. “Wait. Labasin ko muna. Baka si Mang Istong na,” tukoy niya sa matandang kababaryo nila na papalit sa dating hardinero nila. Nagkasakit kasi at nagdesisyon ang mga anak na patigilin na sa pagtatrabaho. “Ay, oo nga, ano? Ngayong araw nga pala ang dating niya.” “Where you going po, Dad? Hindi pa po kayo tapos kumain, ah,” tila nanenermon na puna ni