MADILIM ang mukha ni Kieran nang harapan niya ang kaibigan na si Nicolo matapos silang iwan ng kaniyang na si Reese kahit ayaw pa sana nito. At baka kung ano raw ang gawin niya sa kaibigan. “You motherf*cker!” galit na salubong niya rito at pina-igkas ang kaniyang kamao sa mukha nito ngunit agad din namang nakaiwas. “Hey! Puwede ba na hayaan mo muna akong magpaliwanag bago mo ako upakan, ‘pre?” “Pare-hen mo ‘yang mukha mo. Gag*!” Lalong nagdilim ang kaniyang mukha sa tinuran nito. “Alam mo ba kung ano ang ginawa mo, ha? Inilagay mo sa panganib ang buhay ng anak ko na hindi man lang ipinaalam sa akin.” Matalim ang mga mata na ipinukol niya rito pagkatapos niya itong sapakin pero hindi na naman tinamaan dahil muling nakaiwas. “Ganiyan ba ang tunay na kaibigan? Eh, alam mo naman noong una