Kabanata 2

1396 Words
"Good Morning Miss. Quizon, pinabilin po ng CEO na ipapabigay raw po ito sa anak niya." Inabot ng babae ang isang white folder. Agad naman niya itong tinanggap at binuksan. Nilalaman nito ang dokumentong kailangang pirmahan ng CEO. This is her second day of work, naging kabisado na rin niya ang mga bagay bagay dito sa kompanya, ang mga co-secretaries niya at ang mga pasikot-sikot dito sa building. Umupo na lamang ang dalaga sa swivel chair nito't nagpokus sa mga papel sa kanyang harapan. Hindi pa niya natapos basahin ang ibinigay ng HR kahapon and it might took a days bago niya ito matapos. Marami-rami rin ito't medyo importante kaya wala ni isa ang pwedeng iliban. Napansin ng dalaga ang maraang pagbukas ng opisina ng CEO kaya agad naman itong napataas-noo at agad na namataan ang anak ng CEO na ngayon ay papasok sa opisina nito. Napabuntog-hininga na lamang ang dalaga at saka tumayo't maraang humakbang papunta sa opisina ng CEO. Dala-dala niya ang puting folder na kanina'y ibinigay sa kanya. "Relax Clair, don't think on what happened yesterday." Humingang malalim ang dalaga at saka binuksan ang pinto ng opisina't maraang humakbang papalapit sa anak ng CEO. "Si-sir, pinabibigay raw po ni Mr. Flores sa inyo." Nakayukong inabot niya ang folder. Ilang sigundo pa't hindi pa rin tinanggap ng binata ang folder na ngayon ay inaabot ng dalaga. Maraang inilipat ng dalaga ang tingin niya sa anak ng CEO, laking gulat nito nang mapansing nakatingin lang ito sa kanya. Napakurat na lamang ang dalaga at saka umiling nang magkatama ang kanilang mga mata. Bahagyang inilagay ng dalaga ang dalaga nitong folder sa mesa ng binata't hindi na hinintay na tanggapin ito. "I'll get going, sir." Agad na tumalikod ang dalaga at saka akmang lalabas na sana sa opisina nang magsalita ang binata. "Iligpit mo na rin ang mga papeles na siyang nakakalat sa mesa ko. I don't want a messy desk." Sambit nito. Napapikit na lamang ang dalaga at saka humarap sa binata. "Hindi ka naman siguro bingi? Tama ba ako?" Taas noong sambit nito sa dalaga. Agad na iginalaw ng dalaga ang mga paa nito pahakbang papalapit sa desk ng binata. Tag-iisa niyang niligpit ang mga papel sa lamesa kasama na roon ang mga libro't folders na siyang nakakalat rito. Biglang nakaramdam ng ilang ang dalaga nang mapansin ang binata na ngayon ay nakatitig lang sa kanya. "Ta-tapos na po Sir, may ipapagawa pa po ba kayo? Or should I leave." Tanong nito. "May tanong lang ako." Lumilibot sa mga boses nito ang lamig. Agad na napatigil ang dalaga nang marinig ang sinabi ng binata. "Come closer." Pagpapatuloy pa nito. Maraang humakbang si Clair papalapit sa binata, kahit labag sa kalooban niya'y wala siyang magawa kung hindi sumunod sa utos nito. Nakatayo ngayon ang dalaga di kalayuan sa binata. "A litle bit closer." Sambit nito dahilan upang mapapikit ang dalaga. "Pardon sir?" Tanong nito. "Should I repeat what I've said earlier?" Taas kilay nitong tanong sa dalaga. Wala nang ibang magawa si Clair kung hindi ang sumunod sa utos ng binata. Maraan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ng binata nang nakapikit. "Did you meant what you've done in the comfort room yesterday, right?" Ngising tanong nito sa dalaga. Agad namang inilayo ng dalaga ang mukha nito mula sa binata nang marinig ang sinabi nito at saka inayos ang pagkakatayo nito't umiling. Pinilit niyang maiwasan ng tingin ang binata. "Po-po?" Kunwari'y hindi narinig ng dalaga ang sinabi ng binata sa kanya. She felt the awkwardness. "About the embarassed thing you've done yesterday. Tsss, never mind. Go back to work at saka ipapatawag na lang kita kapag may kailangan ako." Sambit pa nito at saka muling itinuon ang atensyon nito sa mesa. Humakbang na lamang ang dalaga palabas sa opisina. Akmang bubuksan na sana niya ang pinto nang muling magsalita ang binata. "Another thing." Maraang humarap muli ang dalaga at itinuon nito ang paningin sa binata. "Avoid saying " Po" kapag kausap mo ako. Ilan na nga ba ang edad mo Miss. Quizon?" Pagpapatuloy pa nito. Napalunok laway na lamang ang dalaga. "23." Tipid nitong sambit. Napangiti na lamang ang binata dahilan upang mapataas-kilay si Clair. What's funny on my words? "See? 22 pa lang ako kaya you are one year older than me." Ngising sambit nito sa dalaga. "Wala na ba kayong sasabihin sir? Can I leave?" Sambit nito at saka tuluyan nang lumabas sa opisina. Bagsak ang paa ng dalaga habang humahakbang papunta sa mesa nito. Ilang pulgada na lang at mauubos na ang pasensya niya dahil sa binata. "How arrogant. Ilang araw pa kaya siyang mananatili dito." Mahinang sambit nito sa sarili. Hindi maiwasang maramdaman ni Clair ang inis. "Balita ko isang buwan pa raw si Mr. Flores sa US kaya isang buwan din ata ang tagal ng anak niya rito sa kompanya." Agad na naibaling ng dalaga ang kanyang paningin sa katabi niyang office mate. "Tsss." Muling ibinaling ng dalaga ang atensyon niya sa mesa at nagpatuloy na lang sa pagbabasa ng mga dokumento. BAHAGYANG naitaas ng dalaga ang mga paningin nito sa kanyang harapan nang mapansin ang taong nakatayo ngayon sa harap ng kanyang mesa. "Si-sir Flores? Anong kailangan ninyo?" Agad na tumayo ang dalaga. "Come to my office." Matipid nitong sambit at saka humakbang papasok sa opisina nito. Agad namang sumunod ang dalaga sa yapak ng anak ng CEO. "A-ano pong kailangan ninyo?" Tanong ng dalaga. Nakatayo siya ngayon sa harap ng binata na ngayon ay nakaupo lang sa swivel chair at nakatingin sa laptap nito. "Say " Po" again and I won't hesitate to kick you out in this company." "So-sorry sir." "Give me your phone number." Napataas noo ang dalaga nang marinig ang sinabi ng binata sa kanya. "Pardon sir?" Tanong nito. "Give me your phone number so that I can contact you if there's an urgent information I want from you. Hurry up." Napakagat-labi na lamang ang dalaga at saka umiling. "Wa-wala akong Cell phone sir. Pero hayaan ninyo! Bibili ako mamaya if it'll be needed." Bahagyang itinaas ng binata ang paningin niya sa dalaga at saka ngumiti na animo'y natawa sa sinabi ng dalaga. "Ipagtimpla mo na lang ako ng kape, chocolate flavor ah. Be hurry nauhaw ako." Utos pa nito sa dalaga. Agad namang lumabas ang dalaga sa opisina nito't nagmamadaling nagtimpla ng kape. "Ito na sir." Inilapag na lamang niya ang isang basong chocolate coffee sa mesa ng CEO. "Wait." Akmang hahakbang na sana ang dalaga nang tawagin ito ng binata. "May I know your name Ms. Quizon?" Tanong pa nito sa dalaga. Napailing na lamang si Clair at saka muling humarap sa binata. "Clair Sir, Clair Quizon." Sagot nito. Tuluyan nang lumabas ang dalaga sa opisina ni Mr. Flores. "HINDI ka pa ba uuwi Ms. Quizon?" Tanong pa ng isa sa office mate ng dalaga. "Tatapusin ko lang ito, at saka hindi pa naman lumabas si Mr. Flores sa opisina." Sambit nito habang ang atensyon nito'y nasa papel sa kanyang harapan. Napataas-noo na lamang ang dalaga nang mapansin ang taong nakatayo sa kanyang harapan. Agad niyang tiniklop ang folder sa kanyang harapan at saka tumayo. "Si-sir. May kailangan kayo?" Tanong nito sa binata. "Get up and follow me." Sambit nito at saka nauna nang humakbang palabas sa office nito. Nagmamadali namang humakbang ang dalaga't sumunod sa yapak ni Mr. Flores. "Sir? Saan tayo pupunta?" Tanong pa nito. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad at hindi nagsalita nang kahit na ano. Maya-maya pa'y nakarating na rin sila sa parking lot ng building. Agad na binuksan ng binata ang pinto sa front seat nito't tumingin sa dalaga. "Sa-saan tayo pupunta?" Utal na tanong nito sa binata. "Just get in, may bibilhin lang ako." Sambit nito dahilan upang mapakunot-noo ang dalaga. "Pero sir, can't you make it with yourself? At saka off duty na ako at this hour kaya mauna na ako." Pagpapaliwanag pa ni Clair at saka akmang hahakbang na sana palabas sa parking lot nang hawakan ng binata ang balikat nito't hinila paharap muli sa kanya. Napakibit-balikat na lamang si Mr. Flores at tinignan ng matulis ang dalaga. "May reklamo ka ba? You're free to sign a resignation letter then." Taas-kilay nitong sambit sa dalaga. "Get in." Pagpapatuloy pa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD