CHAPTER 3

2327 Words
“W-What’s going on...” mahinang usal ko sabay napa-kapit sa sariling ulo gamit ang dalawang kamay habang naka-tulala ang mga mata sa kawalan at iniisip ko ‘yong nalaman ko. Parang gusto kong habulin si Kuya dahil ang dami kong gustong itanong sa kan’ya! Hindi ko alam kung totoo ba talagang boyfriend n’ya ‘yon o nagbibiro lang s’ya? Pero sa buong buhay ko, hindi pa nag-biro si Kuya Logan dahil napakaseryoso n’ya! Alam ba ‘to nina Mama at Papa? Kung oo, alam kong ayos na ayos lang dahil mas mahal nila si Kuya eh. Pakiramdam ko hindi 'yon big deal sa kanila, ‘yan ang instinct ko na hindi ko alam kung tama. Pero kilala ko na kasi sila. “Kumalma ka lang, Junellah. Kalma ka lang,” mariing usal ko sa sarili sabay tumayo ng tuwid at huminga ng marahas. Mas mabuti pa sigurong maglilinis muna ako lalo na ‘yong binasag kong plorera. Sana sa mayabang na lalake na lang ‘yon tumama kanina. Hindi ako makapag-focus sa paglilinis hanggang sa pagsapit ng dilim dahil k’westionable talaga ako kay Kuya. Parang hindi yata s’ya makakauwi ngayon kaya natulog na lang ako. Kinaumagahan, tinanong ko si Tita Maria kung naka-uwi ba s’ya pero hindi nga talaga. Ang ginawa ko na lang, gumayak na ako papuntang school pero hindi ko muna sasabihin ang tungkol dito kay Klark hangga’t hindi ko pa naririnig ang explanation ng Kuya ko. Wala akong isesekreto sa kan’ya, hindi lang ‘to ang tamang pagkakataon. “Good Bye, students. See you tomorrow,” masiglang sambit ni Sir Gordon pero bigla n’ya akong tinitigan sabay nginitian kaya ginantihan ko rin ng p’wersadong ngiti. Pagkatapos no’n, kinuha na ang kan’yang libro at attendance notebook at umalis sa aming harapan hanggang sa maka-labas na. Vacant time nanaman kaya kinuha ko ang earphones sa kaliwang bulsa ng skirt ko. Ipinasok ‘yon sa dalawa kong tainga at sinaksak ko ang cord sa cellphone sabay nilapag ‘yon sa desk. Sumandal pa ako sa upuan at humikab. Pinindot ko pa ang button ng mouth piece kaya automatic na nag-play ang Japanese music, opening song ‘yon ng paborito kong anime na Attack on Titan. “Sissy may ipapabili ka ba? Pupunta ako sa cafeteria,” rinig kong sambit ni Klark at hindi naman gaanong malakas ‘tong volume. Ayaw kong masira tainga ko 'no. “Busog ako kaya ikaw na lang muna,” mahinang tugon ko sabay pinikit ang mga mata. Narinig ko pang sumangayon s’ya bago umalis sa harapan ko. Ine-enjoy ko lang ang music pero may biglang kumalabit dito sa kaliwang gilid ko kaya binalingan ko naman ‘yon ng tingin at bahagyang napa-taas ang kabilang kilay ko na’ng masilayan ang dalawa kong kaklaseng babae na naka-titig sa ‘kin. “What?” maikling sambit ko. Naka-upo si Hitch sa sarili n’yang upuan at sa desk naman n’ya si Ymir tapos naka-cross arms pa talaga sila. Tinanggal ko muna ang earphone sa tainga ko. “Anong problema n’yo nanamang dalawa?” maangas kong tanong sa magaspang na paraan na mas lalong ikinangisi nila ng pagak. Itong dalawang babaknit na ‘to, madalas akong ginagambala na wala naman akong ginagawang masama sa kanila. “You, ikaw ang aming problema. So tell us... what is your relationship with Sir Gordon? Are you two dating na? How delightful, teacher-student relationship huh?” malambing na tanong ni Hitch habang nilaro-laro ang dulo ng kan'yang straight na buhok at naka-titig sa ‘kin. “Is he your sugar daddy already?” saad naman nitong Ymir while swaying her both legs back and forth. “You are just nineteen years old and he’s under 30’s,” pahabol n’ya pa. “Nakakadiri kayong dalawa, baka kayo ang may gusto ro’n dahil naiinis kayo at ang attentive ni Sir sa ‘kin. Hindi ko type ang lalakeng mas ahead pa sa ‘kin, pakiramdam ko para ko na silang lolo,” depensa ko pero parang ang exaggerated yata ang pagkakasabi kong ‘lolo’. Hindi ba p’wedeng uncle or kuya lang muna? Pero nasabi ko na ‘e. “’Wag n’yo na akong kausapin, nakakabwisit kayo kausap. Mga peste kahit kailan,” matigas kong usal sabay inikutan sila ng mga mata at inayos ko ang upo ko. Inalis ko na rin ang pagkakatitig ko sa kanila. “Kaya wala kang manliligaw dahil napakasuplada mo, Junellah. Hindi ko alam kung bakit may naging kaibigan ka pa dahil mas matabil pa ang dila mo kaysa sa ‘min,” natatawang usal ni Ymir at hindi na ako nag-react dahil totoo naman ang narinig ko. Kaya siguro ako ganito dahil naiimpluwens’yahan ako ng kasupladuhan ni Kuya Logan. Wala akong kinatatakutan kundi s’ya lang. Kay kuya lang ako nanlalambot pero sa iba, hindi ako basta-bastang kalaban. Mabait lang ako kay Klark dahil hindi s’ya plastic kagaya ng iba at naranasan ko na’ng pineperahan ng dati kong mga naging kaibigan nu’ng highschool ako. Kinakaibigan lang dahil may pera pero nu’ng nalaman ni Kuya na ginagastos ko lang ang pera ko sa kanila at hindi na ako binibigyan ng malaking halaga, iniwan nila ako. Natuto na ako ro’n kaya hindi na ako nakikipagkaibigan pa. Hanggang sa nakilala ko si Klark nu’ng first year college ako, napansin ko kasing wala s’yang kasama. Loner din kumbaga. One time, may project kami at naririnig kong nanghihiram s’ya ng pera sa mga kaklase namin pero hindi s’ya binigyan. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko no'n pero ako ang gumastos. Nagpasalamat s’ya sa 'kin at nangakong babayaran ako agad. Akala ko nga nakikipagplastikan s'ya kaya hinayaan ko na lang. Pero kinaumagahan, binayaran n’ya ako sa halagang five hundred sixty pesos. Simula no’n, pagaan na’ng pagaan ang loob ko sa kan’ya dahil hindi s’ya nasisilaw sa pera. Binabayaran n’ya talaga kapag nangungutang s’ya sa ‘kin pero kinalaunan ay hindi ko na tinatanggap dahil nakuha na n’ya tiwala ko. S’ya lang ang kaibigan ko at wala na’ng dadagdag pa. “I don’t understand, bakit ikaw ang favorite student ni Sir. You are too plain,” malambing na usal ni Hitch pero iniwas ko na lang ang ulo ko sa ibang bahagi. Kinuha ko ulit ang earphone para mapasok sa dalawa kong tainga dahil nasasayang ang oras ng pag-re-relax ko sa walang k’wentang mga tao. “Sissy ko! I bought your favorite!” After few minutes, narinig ko ulit ang masiglang boses ni Klark kaya minulat ko ang mga mata ko at sakto dahil may binato s’ya sa dibdib ko banda. Dinampot ko agad ‘yon at tinitigan. Isang supot ng white marshmallows at kaagad akong nag-pasalamat na’ng umupo na s’ya sa kan’yang sariling upuan. “Sissy Junellah, kailan ulit ako maka-punta sa house n’yo? I miss papa Logan already,” mahinang maktol n’ya sa ‘kin kaya nilingon ko s’ya rito sa gilid ko na kumakain ng kung anong klaseng sandwich. “Magpapaalam muna ako sa kan’ya,” sagot ko naman agad habang nakikita ko s’yang mahinhing ngumunguya. “Alam mo naman ang ugali ng lalakeng ‘yon. Ipapaalam muna sa kan’ya ang lahat,” pahabol ko pa sabay tinanggal na ang earphones at ipinatong sa desk na katabi ang cellphone ko. Siguradong magugulat din s’ya kapag sasabihin ko sa kan’ya ang nalaman ko pero hindi pa sa ngayon. “Sabihan mo lang ako kapag p’wede na, Sissy. Na-miss ko na tumambay sa mga yayamanin, you know...” sagot n’ya naman sa ‘kin kaya sumangayon na lang ako habang umiling-iling. Lumipas ang med’yo nakakapagod na maghapon, naglalakad ako papasok ng bakuran namin. Nahihikab ako habang hinahakbang ang mga paa sa simentadong daanan, naririnig ko na ang mga nakakabinging huni ng kuliglig sa paligid dahil five twenty five na ng hapon. Tamad kong inangat ang ulo ko sa nagtataasang puno ng namumulaklak na magnolia trees. Pumapagitna ‘tong malawak na daanan. Ilang years na ang mga punong ‘to at kapanahunan pa ng mga kalolo-lolohan ko. Nakakatuwa dahil tuwing summer, namumulaklak silang lahat. Med’yo nilalamon na ng kadiliman ang paligid at mamayang ala sais, automatic na iilaw ang bulbs na nilagay sa mga sanga puno na nagbibigay liwanag sa gabi. Wala kaming gate dahil safe naman ‘tong village kaya naka-balandra lang bahay namin. Habang papalapit na ako, nakita kong bukas ang main door kaya huminga na lang ako ng malalim. Hindi ko alam pero nakakasawa ang buhay ko simula nu’ng tumungtong ako ng highschool. Bahay-eskwelahan lang kasi ako. “Nandito na ako,” mahinang usal ko na’ng maka-pasok ng tuluyan sa loob. Bumungad agad sa ‘kin ang liwanag ng yellowish chandelier na naka-sabit sa gitna ng matarik na kisame. Didiretso na sana ako sa nagiisang hagdan dito sa ground floor. Sa left side ‘yon banda pero biglang bumukas ang pinto ng living room na nasa center part at kaharap ko lang. Si Tita Maria ‘yon na may bitbit na tray sa kaliwang kamay at agad n’yang sinarado ang pintuan pero napansin n’ya ako. “Miss Junellah, and’yan ka na pala. Dumating ang Mama at Papa mo,” marahang usal n’ya na’ng humakbang papalapit sa ‘kin. Andito pala sila. Gusto ko silang tanungin ang tungkol sa pagkatao ni Kuya kung totoong bisexual s’ya pero nagdadalawang isip ako. Mapapagalitan lang ako at baka wala silang alam. “It’s been months since we haven’t seen each other,” mahinang bulong ko na’ng huminto s’ya sa harapan ko. “Kailan po sila dumating, tita?” magalang na tanong ko. “Kaninang alas tres ng hapon, Miss Junellah. Akin na ‘yang bag mo at pumasok kana ro’n. Naka-handa na rin ang hapunan mo sa dining room ha?” Nilahad n’ya ang kanan n’yang kamay kaya inalis ko ang bag pack ko sa aking likuran at iniabot ‘yon sa kan’ya. Nag-paalam na akong umalis para matungo ang living room. Huminga ako ng bahagya na’ng huminto sa tapat ng pintuan at pinaikot ang door knob para mabuksan. “How’s your trip?” magalang na bungad ko na’ng makita silang naka-upo sa mahabang puting sofa na magkatabi. Huminto muna ako sa pinto banda. Napansin ko naman agad ang maraming paper bags na halatang mga branded na gamit ang laman. Naka-lapag ang mga iyon sa circular center table. “Where’s your brother, Junellah? It’s time for dinner but he is not here.” Iyan ang tanong sa ‘kin ni Mama habang naka-tutok ang mga mata sa 110 inches flat creen T.V. “Ah, mamaya pa po raw s’ya uuwi dahil ang dami n’yang aasikasuhin,” mabilis na tugon ko. Hindi nga sumulpot dito at hindi ko alam kung saan pumunta, baka kasama n’ya ang mayabang na lalake na ‘yon. “Let’s wait for him, Darling,” marahang usal ni Papa habang may kapit-kapit na platito sa kaliwang kamay habang isang tasa naman na may lamang kape sa kabila. “Maybe we could just eat? I am sure, madaling araw pa uuwi si Kuya. Ang tagal na nating hindi nakapagsalo-salo sa hapagkainan,” magalang pa ring aya ko. “And that’s the point. We have to wait for him. I already sent a text message so he will come home now,” tugon ni Mama na hindi magawang ibaling sa ‘kin ang titig n’ya. “You can eat all by yourself,” pahabol n’ya pa kaya mapait akong napa-ngiti. “Do you have a gift for me?” walang hiya-hiyang tanong ko pa sabay mabilis na tinuro ang center table na halos mapuno na ng mga paper bags. “Those are for Logan, Junellah. You can buy your own, you have your allowance right?” sagot sa ‘kin ni Mama kaya mas lalo lang ako ngumiti ng mapakla. “Tama po kayo, sige po. Kakain na ako.” Hindi na sila sumagot, sa halip ay mahinhing halaklak lang ang narinig ko dahil sa kanilang pinapanood. Tumalikod ako at doon nawala ang peke kong ngiti. Para sa ‘kin, mas mabuting ‘wag na lang silang umuwi para hindi na ako masaktan. Wala rin namang silbi dahil lagi na lang nila ako ginaganito simula nu’ng dumating si Kuya Logan sa buhay nila. Masakit, talagang masakit sa ‘kin at damang-dama ko talagang parang hindi nila ako Anak. Naging suwerte kasi si Kuya sa kanila pero ako, puro problema na lang ang naging ambag ko lalo na dati at naging sakitin si Mama simula nu’ng pinanganak ako. Matagal ko na’ng kinikimkim ang unfair treatment nila sa ‘kin at ever since, hindi ako nag-reklamo dahil alam ko... ako ang lalabas na mali. Na’ng makarating ako sa kusina, dumeretso ako sa rectangular shaped na mesa at nakita kong may plato ro’n na may lamang pasta na may toppings na broccoli at binalatang hipon. Umupo ako at tahimik na kumain, pilit kong nilulunok ang nginunguya ko habang umiinit ang bawat sulok ng mga mata ko. Wala lang, med’yo naninikip lang ang dibdib ko dahil hindi talaga ako nila sinabayan kumain. Pinilit kong inubos ang hapunan ko kahit wala akong gana. Pagkatapos, uminom ako ng tubig sa kusina at lumabas ng dining room. Pero may naririnig akong bumubusina na kotse sa labas ng bahay kaya nag-lakad muna ako papunta main door at baka si Kuya na nga ‘to dahil kanina pa s'ya pinapauwi. At hindi nga ako nagkamali, andito na nga s’ya at may dala pang higad. Mas lalo lang ako naguguluhan sa kan’ya at iba nanaman ang kasama. Naalala kong nagseselos daw ng konti ang mayabang na lalakeng ‘yon dahil may babae pa raw si Kuya. Huminto ako sa bungad ng pintuan habang pinagmamasdan silang naghahalikan. Naka-park kasi ang kotse na naka-tutok dito sa kinaroroonan ko tapos naka-sandal ang babae sa kaliwang bintana at naka-dikit sa kan'ya si Kuya Logan habang kinakain ang kani-kanilang mga labi. Napa-ngiwi ako habang tinititigan sila at parang isusuka ko ang kinain ko dahil rinig na rinig ko pa talaga ang sound effects ng halikan nila. “Bago po kayo mag-mukbangan, pumasok kayong dalawa p’wede?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD