“A-ANONG GINAGAWA MO RITO?!” sigaw ko habang kunot-noong pinagmamasdan ang mukha n’yang parang hinabol ng pitong kabayo dahil literal na dumadaloy ang pawis n’ya sa kan’yang sintido. “I thought you are busy. Pero... malaman-laman ko, nakikipagusap ka lang pala?” mariing usal n’ya sabay tumayo ng tuwid at nakita kong may kinuha s’yang itim na panyo sa loob ng bulsa ng formal jacket n’ya. Huminga muna s’ya ng malalim bago pinunasan ang kan’yang mukha. “Sino nag-sabi sa ‘yong pumunta rito?! Wala ka talagang magawa sa libreng oras ‘no at pati ‘yong sa ‘kin, ginagambala mo na! Hindi ka ba makapaghintay sa bahay?!” mariing sigaw ko habang dinadampi-dampi n’ya ang panyo sa kan’yang noo at parang pati buhok n’ya ro’n ay nabasa na rin ng konti ng sarili n’yang pawis. “I have told you to reply bu