NAPA-YUKO s’ya sa sobrang sakit dahil napapahilamos pa rin at halatang ngiwing-ngiwi sa ginawa ko. Ang kapal pa naman ng magazine na binato ko, mabuti at ‘yon ang napili ko para damang-dama. “Sige asarin mo pa ako dahil ‘yan talaga lagi ang aabutin mo sa ‘kin na ugok ka. Sabi ko awat na pero hindi ka nakinig,” kalamadong usal ko sabay umupo ulit sa p’westo ko kanina. “’Yang bibig mo talaga ang magpapahamak sa ‘yo eh. Baka sa susunod paduduguin ko na ‘yan,” pagbabanta ko sa mahinahong paraan. “Payag ako but you should use your lips instead of your fist—“ Parang may sariling isip ang mga kamay ko dahil mabilis pa akong kumuha ng magazine sabay binato ulit sa kinaroroonan n’ya at sa ngayon, mabilis n’ya akong inilagan at kumaripas ng takbo papuntang pinto. Rinig na rinig ang mabibigat n’y