CHAPTER 45 (Replenish Session) “Face every challenge and be strong to encounter that because there is always a rainbow after the rain” SCARLET Nandito ako ngayon sa kama ko. Nagpapahinga at pinapakalma ang aking sarili, medyo may pagka taranta din kasi ako paminsan-minsan Nakakapagod kaya yung training namin. Di ko napansin at umaga na pala. Mukhang marami tayong baong eye bags ngayon. Ayaw mo yun nagbunga ang pinaghirapan mo. Nagpasya akong tumayo at tinignan ang veranda. Di parin talaga ako magsasawa sa tanawin ng Angroxia. Mga isang buwan na pala ako dito. Kumusta na kaya sila Si Luke? Arghhh. Sa totoo lang, matagal ko na siyang napatawad sa naging kasalanan niya. Marami na siyang ginawa para patunayan ang pagmamahal ni