“ALINA! Are you okay?” pukaw ni Elias kay Alina. Kumislot si Alina at nabaling ang tingin kay Elias. “Wala. M-may nakita lang akong kakilala,” sabi niya. “Here? Who?” curious nitong untag. Muli niyang sinipat si Stephen saktong nahagip din siya ng paningin nito. Natigilan ito at hindi na siya maiwasan ng tingin. Sinipat din nito ang kamay niya na kumapit sa braso ni Elias. Bumakas sa mukha nito ang pagkamangha. “Do you know that guy, Alina?” tanong ni Elias, na nakatingin din pala kay Stephen. Wala na siyang rason para magsinungaling dahil wala na sila ni Stephen. Gusto rin niyang ipamukha rito na sinayang siya nito at hindi ito kawalan sa kan’ya. “Yes. He’s my ex-boyfriend,” tugon niya. “Really?” shocked na untag ni Elias, pero mayamaya rin ay bumungisngis. “I don’t really know St