NAGING emosyonal na naman si Annie dahil sa pagdating ni Ingrid. Mas close ito kay Dr. Daniel kaya higit na nagluluksa. Hindi na tuloy sila nakapagluto ng tanghalian at nagpabili na ng pagkain sa labas si Vladimir. Nawindang siya nang makita si Chase na kasama ni Alejandro. Pinunatahan kasi niya si Vladimir sa bahay nito. “Ano’ng nangyari kay Chase?” gilalas niyang tanong sa mga lalaki. Isinakay na si Chase sa kotse. Naroon din si Yoshin at kasama na lumulan sa kotse. “I will explain later, sweetie. Let’s go!” ani Vladimir. Niyaya na siya nito pabalik ng kaniyang bahay. Hinabol pa niya ng tingin ang kotse na ginamit nila Alejandro. Paalis na ang mga ito. Bumalik na sila ng bahay at dumating na ang pagkaing pinabili nila. Doon na rin kumain sila Ingrid. Pareho silang balisa ni Ingrid

