LINGGO ng gabi na natapos ni Vladimir ang pinto ng greenhouse ni Annie. Sinimulan na rin kasi nila ni Alejandro ang pagtayo ng poste ng mas malaking greenhouse malapit sa swimming pool. “Ano na ang nangyari sa burol ni Rojillo, Al?” tanong niya sa kaibigan. Naghuhukay sila ng lupa para tayuan ng posteng bakal. “May pinadala lang na tao si Big Boss at kinuhaan ng picture ang bangkay ni Rojillo. They talked to my agent, too,” anito. “What about Rojillo’s daughter? Has she arrived?” Hindi umimik si Alejandro. Bumagal rin ang pagkilos nito. Maybe Alejandro felt sad for Rojillo’s daughter. “Al, are you okay? What’s wrong?” tanong niya sa kaibigan. “Nothing,” saad lang nito. Bumilis na ang pagpala nito sa lupa. “I know you’re worried about Rojillo’s daughter. If you’re unsure if she’s sa

